Shear line, amihan magpapaulan sa bahagi ng Luzon

Shear line, amihan magpapaulan sa bahagi ng Luzon

January 28, 2023 @ 8:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Magpapaulan ang northeast monsoon o amihan sa iba’t ibang bahagi ng Luzon habang magdudulot din ng ulan ang shear line sa ilang parte ng Luzon at Visayas ngayong Sabado, ayon sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Bicol Region, Northern Samar, at Palawan na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa shear line.

Makararanas din sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, at Romblon ng maulap na kalangitan at pag-ulan dahil sa northeast monsoon.

Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon, inaasahan ang “partly cloudy to cloudy skies with light rains” dahil din sa northeast monsoon.

Inaasahan naman sa natitirang bahagi ng bansa ang The “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa localized thunderstorms.

Ang wind speed forecast para sa Luzon at Visayas ay moderate to strong patungong northeastward habang ang coastal waters ay magiging moderate to rough.

Makararanas sa Mindanao ng light to moderate wind speed patungong northeast to north direction habang ang coastal waters ay mananatiling slight to moderate.

Sumikat ang araw kaninang alas-6:25 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:53 ng hapon. RNT/SA