Shear line, Amihan magpapaulan sa north, Central Luzon

Shear line, Amihan magpapaulan sa north, Central Luzon

January 1, 2023 @ 7:30 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Magpapaulan sa ilang lugar sa hilaga at gitnang Luzon ang shear line at northeast monsoon o Amihan ngayong Linggo, Enero 1 ayon sa pinakahuling weather forecast ng PAGASA.

Ang Cagayan Valley, Apayao, Kalinga at Aurora ay makararanas ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan dulot ng Amihan habang ang Quezon Province naman ay uulanin din dahil sa shear line.

Magiging maulap naman na may tsansa ng mahihinang pag-ulan dahil sa Amihan ang Ilocos Region, nalalabing bahagi ng
Cordillera Administrative Region, at Central Luzon.

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mga isolated rain showers o thunderstorms dahil naman sa localized thunderstorms.

Sa ngayon ay wala pang namamataang sama ng panahon o bagyo sa alinmang bahagi ng bansa. RNT/JGC