Shear line, Amihan makaaapekto sa bansa  

Shear line, Amihan makaaapekto sa bansa  

January 21, 2022 @ 8:48 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Patuloy na makaaapekto sa bansa ang shear line at hanging amihan sa silangang bahagi ng southern Luzon, batay sa PAGASA.

Dulot nito, makararanas ng mga pag-ulan sa Bicol Region maging sa Calabarzon gayundin sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Aurora.

Habang magkakaroon din ng bahagyang pag-ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Samantala, nagbabala ang PAGASA sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa sa kasagsagan ng buhos ng ulan, kulog, at kidlat.

Sumikat ang araw kaninang 6:25 a.m. at lulubog mamayang 5:49 p.m. RNT/FGDC