Shear line magpapaulan sa Aurora, Bicol, Eastern Visayas, N. Quezon

Shear line magpapaulan sa Aurora, Bicol, Eastern Visayas, N. Quezon

November 16, 2022 @ 7:14 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Magdudulot ng kalat na pag-ulan ang shear line sa silangang bahagi ng Luzon habang makaaapekto ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Mindanao ngayong Miyerkules, ayon sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Aurora, Bicol Region, Eastern Visayas, at sa northern portion ng Quezon na sasabyan ng scattered rain showers at thunderstorm dahil sa shear line.

Uulanin din ang Caraga, Davao Region, and SOCCSKSARGEN dahil sa ITCZ.

Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa, inaasahan ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa localized thunderstorms at ITCZ.

Makararanas sa eastern section ng Luzon ng moderate to strong wind speed patungong northeastward habang ang coastal waters ay mananatiling moderate to rough.

Inaasahan naman sa natitirang bahagi ng bansa ang light to moderate wind speed patungong east to northeast direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Sumikat ang araw kaninang alas-5:57 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:24 ng hapon. RNT/SA