Shear Line magpapaulan sa Batanes, Babuyan Islands

Shear Line magpapaulan sa Batanes, Babuyan Islands

November 5, 2022 @ 8:30 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Makaaapekto ang shear line sa extreme Northern Luzon habang ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ay makaaapekto naman sa Mindanao ngayong Sabado, ayon sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Batanes at Babuyan Islands na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa shear line na may posibleng pagbaha o landslides “due to moderate with at times heavy rains.”

Magiging maulap din ang kalangitan sa Aurora, Quezon, Camarines Provinces, timog na bahagi ng Palawan, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi na may kalat na pag-ulan dahil sa ITCZ.

Mararanasan naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa ITCZ at localized thunderstorms.

Ang Northern Luzon ay magkakaroon ng moderate to strong wind speed patungong northeastward habang ang coastal waters ay magiging moderate to rough.

Makararanas naman sa natitirang bahagi ng bansa ng light to moderate wind speed patungong northeast to east direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Sumikat ang araw kaninang alas-5:53 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:26 ng gabi. RNT/SA