Shear line magpapaulan sa E. Visayas, 2 pang lugar

Shear line magpapaulan sa E. Visayas, 2 pang lugar

December 26, 2022 @ 6:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Patuloy na nakaaapekto ang shear line sa Visayas nitong Lunes at magdudulot ng maulap na kalangitan na sasabayan ng ng pag-ulan sa Eastern Visayas, Surigao del Norte at Dinagat Islands, ayon sa PAGASA.

Mararanasan din sa Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula. Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Palawan, at natitirang bahagi ng Visayas at Caraga ang maulap na kalangitan na may kalat na pag-ulan dahil sa shear line.

Samantala, magdudulot ang Northeast Monsoon (Amihan) na nakaaapekto sa Luzon ng “partly cloudy to cloudy skies with light rains” sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon.

Inaasahan naman sa natititang bahagi ng Mindanao ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa localized thunderstorms.

Magiging moderate to rough naman ang coastal waters sa seaboards ng Luzon, Visayas at silangang bahagi ng Mindanao.

Sa natitirang bahagi naman ng Mindanao, magiging slight to moderate ito.

Sumikat ang araw kaninang alas-6:18 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:35 ng hapon. RNT/SA