Shear line makaaapekto sa Mindanao

Shear line makaaapekto sa Mindanao

January 16, 2022 @ 8:30 AM 7 months ago


MANILA, Philippines- Magiging maulap ang kalangitan sa Mindanao na may kalat na pag-ulan ngayong Linggo dahil sa shear line na nakaaapekto sa silangang bahagi nito, base sa ulat ng PAGASA.

Maaaring makaranas ng pagbaha o pagguho ng lupa sakaling maging moderate hanggang heavy ang pag-ulan.

Samantala, kasalukuyan namang nakaaapekto ang Northeast Monsoon (Amihan) sa bansa at magdudulot ng maulap na kalangitan na may mahinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Bicol Region, Apayao, Kalinga, Ifugao, Mountain Province, Aurora, at Quezon.

Samantala, makararanas ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may isolated light rains dulot pa rin ng Amihan.

Magiging moderate hanggang rough naman ang tubig-dagat sa silangang bahagi ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.

Habang sa natitirang bahagi ng bansa, moderate hanggang rough din ang tubig-dagat.

Sumikat ang araw kaninang alas-6:25 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:47 ng hapon. RNT/SA