Shelf life ng ilang expired na Ph COVID shots pinahaba pa

Shelf life ng ilang expired na Ph COVID shots pinahaba pa

December 7, 2021 @ 7:25 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Pinalawig na ang expiration date ng mga pasong COVID vaccine dose sa Pilipinas, ayon sa  Department of Health.

“Sumulat po tayo, nakipag-ugnayan sa Pfizer. Iyong kanilang mga nag-expire ay in-extend nila. Matapos nilang isinagawa ang stability studies ng kanilang bakuna, in-extend nila by 3 months,” lahad ni Health Secretary Francisco Duque III.

Sa ngayon ay hindi niya alam kung ilang bakuna ang sakop ng napalawig na expiry date.

Paliwanag pa ni Duque, nakipag-usap na siya sa mga representative ng AstraZeneca.

“Ganoon din ang gagawin nila, titingnan nila kung ito bang mga nag-expire na kakaunti naman— hindi naman karamihan, I believe less than 1 percent na nag-expire—titingnan kung puwede rin itong i-extend na hindi mababawasan ang kaniyang pagiging effective and iyong safety niya ay nasisiguro,” punto pa nito sa televised public briefing.

Hindi naman inihayag ni Diqie kung bakit napaso ang mga nasabing bakuna. RNT/FGDC