Sheryn Regis, habulin ng lesbian?

Sheryn Regis, habulin ng lesbian?

December 10, 2021 @ 9:19 AM 10 months ago


Manila, Philippines – Sa pag-amin ni Sheryn Regis sa kanyang karelasyon na member ng LGBTQ+ community at YouTuber na si Mel de Guia, tumibay ang ibinunyag na rebelasyon noon ng theater actress at dating karelasyon ng singer na si Michiko Unso.

Bago pa man magkahiwalay sina Sheryn at Michiko ay may relasyon na raw ang singer at ang YouTuber. Ilang beses tinanong ni Michiko si Sheryn kung may relasyon sila ni Mel, paulit-ulit din daw itong itinanggi ng tinaguriang Crystal Voice of Asia.

Second quarter ng taong  ito nu’ng magpunta si Michiko sa Canada para bisitahin ang kanyang pamilya. Naiwan mag-isa sa Pinas si Sheryn. Kaya hiniling daw niya kay Michiko na bumalik na ng Pinas.

Bumalik ng Pilipinas si Michiko kahit may mga kailangan pa siyang ayusin with her family sa Canada para kay  Sheryn.  Pero nagka-qurantine pa lang si Micho pagballik niya ng Pilipinas, biglang nakipag-break sa kanya si Sheryn over the phone.

Pilit din daw pinapakuha ni Sheryn ang mga gamit ni Michiko sa condo ng singer.

Sa kwentong ito, bigla naming naalaala  ang  isang Pinay na pinainterbyu sa ilang members ng entertainment press, kabilang ang inyong likod, years ago.

Kadarating lang from the US ng medyo may edad at mayamang Pinay nu’ng makaharap namin sa isang resto sa Kyusi. Based na siya sa US at kaya lamang bumalik ng Pinas ay umaasang magkakayos at magkakabalikan pa sila ni Sheryn.

Ang claim kasi ng US-based na Pinay ay mayroon daw silang relasyon ni Sheryn nu’ng nasa US pa ang singer. Todo-support din daw siya pati sa  family ni Sheryn sa US.

Kalurky. Ano ba’ng meron itong si Sheryn at hinahabol-habol ng mga tomboy? Julie Bonifacio