Sheryn Regis, nag-PDA sa lesbian partner!

Sheryn Regis, nag-PDA sa lesbian partner!

December 8, 2021 @ 12:00 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Bida ngayon sa mata ng netizens ang singer na si Sheryn Regis matapos kumalat sa social media ang pictures nila ng rumored LGBT partner na si Mel de Guia.

Nag-umpisang kumalat ang nasabing pictures matapos itong i-flex ni Sheryn, hindi lang sa Instagram, maging sa Tiktok.

Inulan ito ng positive comments at suporta sa buong social media world. May ilan na nadismaya pero ang kapansin-pansin, ang paghahanap ng publiko sa dating kasintahan ni Mel na si Nicole Mendoza.

Nakilala kasi si de Guia sa kanyang YouTube channel kung saan mapapanood sila ni Nicole kaya naman nagulantang ang netizens sa sweet Tiktok video nila ni Regis.

Good as confirmed na kasing may something, (kung hindi man mag-jowa) si Mel at Sheryn para sa netizens dahil sa pa-kiss nito sa pangalawa habang sumasayaw sa Tiktok.

It’s good to know na bihira na lang ang bashing na nakukuha ng LGBT couples. May negatibong komento man pero mukhang dahil ito sa nabilisan ang mga tao sa pagpapalit ng jowa na naganap.

Let us wait, guys. Baka naman may paliwanag si Mel sa mga dating supporters ng relasyon nila ni Nicole.

Let’s not bash them agad. Hehe. Paula Jonabelle Ignacio