Shipping company itinangging sangkot sa human trafficking

Shipping company itinangging sangkot sa human trafficking

August 2, 2018 @ 3:37 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Itinanggi kahapon ng Fahrenheit Co. Ltd, na sangkot ang kanilang shipping company sa illegal activities.

Sa isang statement sinabi ni Isagani Cabrera, Presidente ng Fahrenheit Co. Ltd na totoong nagkaroon ng surprise raid ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Coast Guard (PCG) sa isa sa kanilang ship na M/V Forever Lucky noong June 5 subalit mali umano ang lumabas sa report na pinigil ang pag-alis nito patungong Micronesia bagkus nakahimpil lamang ito sa Port of Orion sa Bataan nang maganap ang raid dahil sira ang makina nito.

Sa nasabing raid ay 139 undocumented Filipinos umano ang naisalba batay sa report ng NBI.

Ayon kay Cabrera, sinampahan sila ng kasong human smuggling ng mga awtoridad dahil sa insidente, subalit ibinaba ito sa illegal recruitment dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya at nitong July 9 ay tuluyang nang ibinasura ang kaso ng Department of Justice (DOJ) dahil sa kawalan ng probable cause.

Lumilitaw na ang raid na ginawa ng NBI ay base sa reklamo ng 9 na On-the Job-Trainees ng kumpanya mula sa Sainte Trinite Academy na kalaunan ay pawang naghain din ng Affidavit of Desistance sa DoJ dahilan upang ibasura ang kaso.

Ani Cabrera, walang ipinangako na anuman ang kumpanya sa kanilang mga OJT, wala umanong ipinangakong trabaho abroad at wala ring siningil na anumang bayarin, kung mayroon umanong pangako sa mga OJT ay ang dapat nilang habulin ay ang kanilang OJT recruiter.

“How could we be involved in illegal recruitment when we are not even actively recruiting people for work abroad?  There is not a single time when we, or the company, has even asked for any form of payment or fees in exchange for overseas employment.  So the unfortunate events which happened were a big surprise to us since for the past two decades, we have been operating our business smoothly and efficiently,” pahayag ni Cabrera.

“Evidently, there is no intent from Fahrenheit Co. Ltd. to mislead the OJT trainees. In fact, it should be their OJT recruiter who should answer what promise/s were made to them,” paliwanag naman ni Atty. John Aquino, Legal Counsel ng Fahrenheit Co. Ltd.

Aminado ang kompanya na nalungkot  sila sa maling akusasyon laban sa kanila lalo at 20 taon na sila sa kanilang port operations na nag-ooperate nang walang anumang paglabag, umaasa sila na sa pagbasura ng DoJ sa kaso ay mababawi nila ang nasira sa kanilang reputasyon.

“We are law-abiding citizens. We are providing decent employment to our workers here in the port. It is unfair that these accusations were leveled against us but it is now the right time to set the record straight.Truth is on our side,” dagdag pa ni Cabrera.

Matatandaan na una ding hiniling ni ACT OFW Partylist Rep John Bertiz sa Kamara na imbestigahan ang Fahrenheit Co Ltd bunsod ng nasabing raid dahil sa pangambang maaaring sangkot sa trafficking ang kumpanya, sinabi ni Cabrera na umaasa silang sa resolusyon na ipinalabas ng DOJ sa kaso ay mabibigyang linaw din ang mambabatas. (Gail Mendoza)