Shirley, inalmahan ang pagsasabong ni Lolit kina Marian at Bea!

Shirley, inalmahan ang pagsasabong ni Lolit kina Marian at Bea!

October 18, 2022 @ 5:22 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Hindi itinanggi ni Shirley Kuan na nagsimulang atakihin ng kapwa manager na si Lolit Solis ang kanyang alaga na si Bea Alonzo mula nang lumipat ito sa GMA.

Bea’s transfer to GMA took place early last year.

Gayunpaman, sa bakuran ng dating tahanan ni Bea na ABS-CBN ay isa siya sa mga A list celebrities.

Ayon sa mga isinusulat ni Lolit sa kanyang column sa diyaryo (hindi sa Remate Online), nagbabanta raw agawin ni Bea ang trono kay Marian Rivera.

Si Marian ang binansagang Primetime Queen ng GMA.

Inalmahan naman ito ni Shirley saying na si Bea, bilang bagong salta sa Kapuso network, ay hindi kailanman nangarap manulot ng titulo at puwesto na ipinagkaloob sa iba.

“Our main concern was how do we make friends with them? How does Bea become friends with them? Hindi kung paano siya magrereyna- reynahan. Siya ang bagong salta, therefore she has to make adjustments. And Bea understands it,” sabi ni Shirley sa exclusive interview ng PEP sa kanya.

Kung matatandaan nga naman, isa si Marian sa nag-welcome kay Bea through a video makaraang pumirma ito bilang Kapuso star.

Looking forward pa nga si Bea na maka-bonding si Marian.

Nangako pa ang isa’t isa na ipatitikim ang kanilang respective specialty dishes.

Paglilinaw pa ni Shirley, sinadya raw nilang tumahimik noong tila gustong pagsabungin ni Lolit ang dalawang aktres.

“That was precisely the reason why we didn’t react,” ani Shirley.

Maging ang “losyang,” “mukhang tita” and other references to Bea made by Lolit ay nito lang din sinagot ni Shirley: “Why, does she want Bea to look forever 16, forever 17?” Ronnie Carrasco III