SHOOT-TO-KILL SA MGA LALABAG SA MECQ

SHOOT-TO-KILL SA MGA LALABAG SA MECQ

August 7, 2020 @ 12:00 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Ayoko na sanang patulan itong kayabangan ng isang hepe ng Quezon City Task Force Disiplina na nagbanta sa mga nasasakupan niyang lungsod na ang sinoman ang lalabag sa Modified Enhanced Community Quarantine ay shoot-to-kill ang kanyang igagawad sa mga lalabag.

Noong isang araw kasi ay nag-post itong si Quezon City Task Force Disiplina head Rannie Ludovica ng kanyang panggagalaiti sa mga aniya’y magpapasaway ngayong ipinatutupad na ang mas mahihigpit na lockdown sa Metro Manila.

Ang sabi ni Ludovica, mula noong August 4,  ay ‘shoot- to-kill’ ang lalabag sa MECQ.

Aba’y katapang naman nireng mamang ire (ala e, gusto ko ito, katapang)!

Biruin ninyo shoot-to-kill agad!

Saan ba nanghiram ng tapang ang tarantadong mamang ito kung bakit ‘isu-shoot-to-kill’ niya agad ang sinomang lumabag.

Ala e, para rin pala itong si Greco Belgica na kailangan daw ‘yung mga taong gobyerno na corrupt ay dapat daw ay pinapatay.

Maging  ‘yung mamang director ng New Bilibid sa Muntinlupa na kung tawagin natin ay Boy Mura ay hindi mabubuo ang kanyang araw nang hindi siya nakapagmumura.

Pareho-pareho silang mga bayolente, nakatatakot sila sa ating lipuan.

Hindi ko malaman kung saan naman kaya humuhugot ng tapang itong si Ludovica.

Nakagugulat! Lumabag lang sa quarantine protocol ang isang mamamayan ay isu-shoot-to-kill niya agad. ha..ha..ha…

Gagawin pa niyang parang ibon na basta na lamang babarilin.

Anyway, ang balita ko ay pinatawad na siya ni QC Mayor Joy Belmonte at pinangaralan na lang siya ni mayor na huwag na lang niyang pangunahan ang mga nakatataas sa kanya (buti naman at marunong siyang tumanggap ng pagkakamali niya. Pati si Mayor Joy ay ilalagay pa niya sa alanganin.

Sa totoo lang, mga pare koy, ang dami niyang ginulat. Ultimo si Department of the Interior Local Government Spox Jonathan Malaya ay nagulat sa kanyang deklarasyon.

Kaya hayun, nagbabala si Malaya na hindi papayagan ng DILG ang anomang pang-aabuso sa kapangyarihan ng anomang enforcement agencies.

O hayan, Mr. Ludovica, siguro naman nabasa mo ang sinabi ni Spox Malaya kaya itanim mo ito sa utak mo na pinamahayanan na yata ng mga ipis.

Nagpapasikat ka lang e kung bakit shoot-to-kill pa ang naisip mong iparusa sa taong lalabag.

Baka akala mo ay ganon-ganon lang ang pumatay ng tao lalo pa’t ngayon ay ibabalik na ang death penalty baka ikaw ang unang masampulan nito, ikaw rin ..hehehehe…

oOo

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com o juandesabog48@gmail.com


  •  
  •  
  •  

Loading...