Shootout sa checkpoint: 2 motornapper, patay

Shootout sa checkpoint: 2 motornapper, patay

August 11, 2018 @ 10:44 AM 4 years ago


 

Laguna – Dalawang hinihinalang motornapper ang napatay sa engkuwentro makaraang manlaban sa mga awtoridad na nagsasagawa ng checkpoint, kaninang madaling araw (Aug.11, 2018) sa boundary ng San Pedro City at Biñan City.

Ang mga suspek na kapwa dead on the spot sa pinangyarihan ng krimen ay nakilala lamang sa mga alyas na ‘Jumbo’ at ‘Hatch’ na pawang residente ng Barangay Canlalay sa lungsod ng Binan, Laguna.

Base sa report ni P/Supt. Giovanni Martinez, Chief of Police ng San Pedro City, ganap na ala-una ng madaling araw kanina habang ang mga tauhan ng San Pedro City PNP, at HPG PRO4A ay nagsasagawa ng Anti-Criminality Operation sa pamamagitan ng checkpoint, sa halip na huminto  ang dalawang suspek sakay ng isang motorsiklo ay pinaputukan pa umano ng mga ito ang mga pulis, na humantong sa habulan kaya napilitan gumanti ng putok ang mga awtoridad, na ikinasawi ng dalawang suspek, matapos masukol sa Sta. Teresita St. Pacita Complex 1B San Pedro City.

Napag-alaman na, ang dalawang suspek ay responsable umano sa nagaganap na nakawan, motornappers, at akyat -bahay sa unang distrito ng Laguna.

Napag-alaman din na ang gamit na motorsiklo na Yamaha Mio Color black ay nakarehistro kay Richard  R. Codog ng Punta, Sta. Ana Manila at hinihinalang kinarnap lang ng mga suspek.

Narekober sa pinangyarihan ng engkuwentro ang dalawang 38 caliber revolvers na umano ay ginamit ng mga suspek nang manlaban sa mga awtoridad. (Ellen Apostol)