Short-lived phreatomagmatic eruption muling naitala sa Taal

Short-lived phreatomagmatic eruption muling naitala sa Taal

July 8, 2021 @ 8:43 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Muling nakapagtala ng short-lived phreatomagmatic eruption sa Bulkang Taal ngayong Huwebes ng umaga, batay sa ulat.

Umabot ang taas nito sa 200 metro mula sa main crater na eksaktong naganap bandang 6:47 a.m.

Sinabing anim na short-lived phreatomagmatic eruptions ang naitala sa Taal kahapon hanggang 9:41 p.m.

Inaasahan na rin ng PHIVOLCS ang phreatomagmatic eruption sa Bulkang Taal na katulad noong Hulyo 1.

Nananatili naman ito sa Alert Level 3. RNT/FGDC