Short-lived phreatomagmatic eruption naitala sa Taal

Short-lived phreatomagmatic eruption naitala sa Taal

July 7, 2021 @ 9:38 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Nagkaroon ng maliit na pagsabog ang Bulkang Taal, umaga ng Miyerkoles, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

“At 5:18 AM today, a short-lived phreatomagmatic eruption occurred at Main Crater and generated a grayish plume that rose 300 meters before drifting southeast,” batay sa bulletin ng Phivolcs.

Nagtala rin ng 55 pagyanig sa nakalipas na 24 oras.

Sa mga pagyanig, isa sa mga ito ay explosion-type earthquake, 44 ang low frequency volcanic earthquakes, lima ang volcanic tremor events na may dalawa hanggang limang minutong pagitan, at limang hybrid earthquakes.

Naglabas naman ng 7,560 tons ng sulfur dioxide (SO2) gas ang bulkan.

Umabot din sa 2,500 metro ang taas ng plumes nito sa direksyon ng timog-kanluran.

Inaasahan pa rin ang muling pagsabog ng bulkan na nakataas pa rin sa Alert Level 3. RNT/ELM