Shortage sa power supply ng Pinas posible-NGCP

Shortage sa power supply ng Pinas posible-NGCP

September 13, 2022 @ 10:10 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) nitong Martes na posibleng mayroong kakulangan sa suplay ng kuryente sa bansa dahil sa madalas na pagkaputol ng kuryente.

Sinabi ito ni NGCP spokesperson Atty. Cynthia Alabanza matapos ilagay sa Red Alert status sa Luzon Grid noong Lunes ng hapon dahil sa ilang stall power plants.

Ang Red Alert status ay nangangahulugang zero ancillary service o na mayroong generation deficiency, kung saan ang NGCP reporting available capacity na 10,693 megawatts kumpara sa peak demand na 9,933 megawatts.

Sinabi ni Alabanza na may indikasyon ng pagnipis ng suplay ng kuryente kung may pagkawala ng kuryente sa tuwing may ilang power plant na nakararanas ng mga isyu.

Ang ganitong mga shutdown ay isang ordinaryong bahagi ng maintenance at operations at hindi ito kadalasang magiging sanhi ng outages kung mayroong sapat na power supply, dagdag niya.

“Kung nakikita natin na dumadalas na o taunan na nagiging problema ‘yung ganitong sitwasyon, tingin ko indikasyon na ‘yan na mas malawak na problema na kailangan bigyan ng pansin,” ani Alabanza sa interbyu sa radyo.

Noong Agosto, si Senador Raffy Tulfo, na siyang namumuno din sa Senate Committee on Energy, ay naghain ng isang resolusyon na naglalayong imbestigahan ang “persistent and recurring” power outages at rotational blackouts, na sumasalot sa ilang bahagi ng bansa sa nakalipas na dalawang taon. RNT