Shortlist ng mga aplikante para sa Ombudsman, pagbobotohan ng JBC sa July 20

Shortlist ng mga aplikante para sa Ombudsman, pagbobotohan ng JBC sa July 20

July 4, 2018 @ 6:56 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Sa Hulyo 20 na ang itinakdang petsa ng botohan para sa aplikante sa pagka-Ombudsman na mapapasama sa shortlist.

Ayon sa Judicial and Bar Council (JBC), anim na miyembro na lamang  ng JBC ng inaasahang boboto  kung hindi maihahabol  sa Hulyo 20 ang re-appointment ni  Atty.Jose Mejia dahil magtatapos na ang apat na taon nitong termino  bilang JBC regular member na kumakatawan sa academe o ng kanyang makakapalit sa puwesto.

Pipili naman si Pangulong Rodrigo Duterte  mula sa isusumiteng shortlist ng JBC ng hihiranging bagong Ombudsman kapalit ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na magreretiro na sa July 26, 2018.

Kasama sa mga aplikante sa posisyon sina Labor Secretary Silvestre Bello III; Sandiganbayan Associate Justice Efren Dela Cruz; Atty. Edna Batacan; Atty. Rey Ifurung, Atty. Rainier Madrid, Supreme Court Associate Justice Samuel Martires; Dating Sandiganbayan Presiding Justice at kasalukuyang Special Prosecutor ng Ombudsman na si Edilberto Sandoval; Atty. Felito Ramirez, Atty. Rex Rico at Davao Regional Trial Court Judge Carlos Esperanza. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)