Shortlisted sa Comelec appointees nirerebisang mabuti ni Digong

Shortlisted sa Comelec appointees nirerebisang mabuti ni Digong

January 31, 2022 @ 5:17 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Sinabi ng Malakanyang na may hawak ng shortlist si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kung sino ang itatalaga nito sa Commission on Elections (Comelec) lalo pa’t may tatlong highest positions ang mababakante ngayong Pebrero.

Ang pahayag na ito ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay bilang tugon sa ulat na may tatlong Comelec executives ang nakatakdang magretiro ngayong linggo bago pa sumapit ang presidential elections sa Mayo 9.

Nakatakdang magretiro sa Pebrero 2 sina Comelec Chairman Sheriff Abas at Commissioners Rowena Guanzon at Antonio Kho Jr.

Inilarawan naman ni Nograles ang appointment ng mga bagong commissioners bilang “urgent.”

“‘ASAP’ po ‘yan ( ‘as-soon-as-possible’). The President has a shortlist na po sa mga pagpipilian niya for the appointment,” anito.

“Alam ni Pangulo na kailangan na po nating i-appoint dahil sa mga vacancies. Alam ni Pangulo na kailangan na po nating i-appoint dahil sa mga vacancies.” dagdag na pahayag nito.

Idagdag pa rito, depende rin aniya ito sa kung gaano kabilis ang Kongreso na kumpirmahin ang nasabing bagong appointments.

“Depende rin po rin po sa pagko-confirm ng Commission on Appointments.”

“Depende po ‘yan sa Kongreso on how fast they can confirm the appointments,” ayon kay Nograles.

Samantala, maliban sa Comelec vacancies, mayroon din aniyang hawak na shortlist ang Pangulo para sa posisyong mababakante sa Commission on Audit (COA) at Civil Service Commission (CSC). Kris Jose