“Shoutout” payment ni Jameson Blake sa designer, binatikos sa social media

“Shoutout” payment ni Jameson Blake sa designer, binatikos sa social media

July 6, 2018 @ 8:45 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Usap-usap ngayon sa social media ang tweet ng actor at Hashtag member na si Jameson Blake kung saan siya ay nagpapagawa ng cover photo na kailangan niya para sa isang kompanya.

Binatikos ito ng mga netizens lalong lalo na ng mga designers dahil ang ipambabayad daw kasi ni Blake ay “Shoutout” lang.

“Best one gets a shout-out from me,” sabi pa ni Blake sa kaniyang tweet.

Hindi ito ikinatuwa ng mga netizens kaya’t agad siyang binatikos sa kaniyang hinihinging pabor.

Sinasabi sa mga comment na ang mga artist partikular na sa mga graphic artist ay dapat lamang bayaran sa kanilang ginawa at binigyan diin pang hindi biro ang paggawa ng art gaya ng sinasabi ng iba.

Imbis na aminin ng aktor ang kaniyang pagkakamali, inulit pa nito ang kaniyang sinabi tungkol sa pagbabayad ng shoutout.

“I’m not asking for a mind blowing art, something basic, anyone willing to do me a favor without payment. No pressure I’d appreciate it a lot,” sabi pa niya sa twitter.

Matapos mapagtanto ng aktor ang kaniyang ginawa, agad niyang binura ang orihinal niyang post ngunit huli na ang lahat dahil sa mabilis na kumalat sa social media ang screen grab ng post niya.

Posted by Clint Purto on Wednesday, July 4, 2018

 

Nag-trending sa social media ang mga kumakalat na screen grab ng tweet ni Blake at ginawan pa siya ng mga memes na talaga namang pinatulan ng iba. (Remate News Team)

shout up kita eh

Posted by Rodel Reyes on Wednesday, July 4, 2018