Showbiztuhan: reporter, nag-walk out sa aktres na kinarir ang pagte-text!

Showbiztuhan: reporter, nag-walk out sa aktres na kinarir ang pagte-text!

December 12, 2021 @ 2:44 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Noong una, hindi kami naniniwala na pasaway o may attitude itong isang not-so-young actress (NSYA) until mapatunayan namin sa aming sarili na totoo pala.

Nu’ng minsang ma-interview kasi namin siya para sa seryeng ginagawa niya ay hindi siya naka-focus sa interview namin. Nagte-text siya habang tinatanong. Kaya ‘yung ibang mga questions namin ay pinapaulit dahil hindi niya naintindihan dahil nga nagte-text siya.

Kaya ‘yung isang kasama namin na nag-interview rin sa kanya ay nag-walk out.

Kinausap naman ng manager ni NSYA ‘yung reporter na nag-walk out. Nag-sorry dito at pinabalik sa pag-interview.

Sinabihan din nito ang alaga na mag-sorry sa amin at huwag na munang magte-text dahil ini-interview. Rommel Placente