Shuttle service pwedeng gamitin ng gov’t sa unvaxxed sa pagdadala sa inoculation sites

Shuttle service pwedeng gamitin ng gov’t sa unvaxxed sa pagdadala sa inoculation sites

December 7, 2021 @ 1:39 PM 10 months ago


Manila, Philippines — Maaaring maglaan ang gobyerno ng shuttle service para magsakay ng mga hindi pa bakunadong indibidwal partikular na ang senior citizens at may mga sakit kung kinakailangan.

Nakatakda naman ang pagsasagawa ng ikalawang national vaccination progtam sa Disyembre 15 hanggang 17.

 “Ito pong parating namin na 15 to 17 na (This coming 15 to 17) vaccination days again, we’ll now be focusing, aside from the rest of the population, we will now focus on the unvaccinated,” pahayag ni  Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa  The Chiefs ng One News.

Pagtutuunan aniya ng mga volunteer ang pagtuturok sa A2 at A3 category.

“Pangalawa, titignan din po natin kung ano ‘yung mga mechanisms that we can provide so that we can facilitate kung kailangan ng shuttle going to the vaccination site, kung kailangan puntahan yung mga matatandang ‘di na makalabas ng bahay, gagawin natin ‘yan.” RNT/FGDC