Si “Aling Maliit”

Si “Aling Maliit”

July 29, 2018 @ 4:58 PM 5 years ago


 

 

Manila, Philippines – Umamin si Rep. Pantaleon Alvarez na nasaktan siya nang mapatalsik bilang Speaker ng House of Reprentatives.

Ang masakit pa sa parte niya, nangyari ito sa mismong ikatlong SONA ng matalik ni­yang kaibigan na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Siyempre, ang pinakama­tindi sa lahat, umugong ang balitang ang utak ng pagsipa sa kanya ang nakairingang si Davao City Mayor Inday Sarah Duterte na anak ng Pangulo.

E kasi naman daw, su­mobra ang yabang ni Alvarez kaya maraming nabanas sa kanya na mga kasamahan kaya siya napagkaisahan. Gumagalaw siya nang hindi nalalaman ng nakararami.

Hindi nakapalag si Alvarez kay Inday. Kung ang tatay raw ay hindi makaporma kay In­day, siya pa kaya?

Iyan ang matagal nang sinasabi na hindi dapat maliitin ang mga babae.

Marami tayong hindi alam na kaya pala nilang gawin.

Pero marami ang nagta­asan ang kilay nang si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang iluklok na kapalit ni Alvarez bilang House Spea­ker.

Marami naman daw iba bakit si Gloria pa? Abusado raw sa kapangyarihan si Gloria. Kurap daw si Gloria. Kung baga, wala raw kredibilidad at maraming “kalansay na naitatago.”

Lahat ng masama at masakit ay narinig ko nang si­nabi nila kay Mrs. Arroyo.

Ngunit bakit siya iniluklok ng mga kasamahan niya sa Kamara?

Kasi’y maraming naniniwalang taglay ni Speaker Gloria Arroyo ang katangian ng isang magaling­ na lider. Mahusay makisama. Mataas ang pinag-aralan sa larangan ng ekonomiya at hindi ma­tatawaran ang liderato bunga ng mahabang panahong karanasan sa pulitika.

Inilugmok ng matitinding pagsubok at karamdaman pero nakabangon at ngayo’y nakabalik sa kapangyarihan. Kaya nga narinig ko na naman ang tawag sa kanyang “small but terrible”.

Nahusgahan na natin noon si Mrs. Arroyo. Kung may mga negatibo man tayong nakita sa kanya noong Presidente pa, nakalipas na ‘yun,  Sabi nga, move-on na ‘pag may time.

Hayaan muna natin si  “Aling Maliit” na maglingkod nang maayos bilang lider ng Kongreso. Naniniwala akong kung matutulad din siya kay Alvarez na pansarili ang inisip, ang mga nagluklok ang siya ring sisipa sa kanya.

Ganyan ang diwa ng de­mokrasya.

-KANTO’T SULOK NI NATS TABOY