BAHA, TRAPIK AT DENGUE PAGKAISAHANG LABANAN

August 8, 2022 @9:26 AM
Views:
36
GRABE ang mga nagaganap na baha sa mahal kong Pinas, gayundin ang trapik na bunga ng baha at ang dengue.
Hindi biro-biro ang mga nagaganap na ito dahil nagbubunga ng mga kalamidad na nakamamatay at nakasisira sa ating buhay.
BAHA SA CEBU AT METRO MANILA
Noong Huwebes, umulan nang malakas sa Cebu sa loob ng tatlong oras.
Nagbunga ito ng katakot-takot na baha at trapik.
Nito namang Biyernes, maghapon na umulan na may mga pagbugsong malakas sa Metro Manila.
Bumaha rin sa maraming bahagi ng lugar ngunit ang Lungsod ng Maynila ang higit na natamaan.
Katakot-takot ding baha at trapik ang naganap.
Libo-libong tao ang naperwisyo sa Cebu at Manila.
Kabilang sa mga perwisyong idinulot ng mga baha at trapik ang pagkabalam ng pagtakbo ng mga maysakit o may disgrasya patungo sa mga ospital.
Hindi naman basta masabing magaan sa mga stranded na mamamayan ang matinding pagtitiis sa tawag ng kalikasan, lalo na sa parte ng mga kababaihan.
Ang mga lalaki, nagagawa nilang lumusong sa baha makaraang bumaba sa mga sasakyan at pakawalan ang mga nagpapasakit sa kanilang mga puson sa mga poste at dinding sa mga kalsada ngunit hindi pupwedeng gawin ng kababaihan.
Whew! Anak ng tokwa talaga.
PAG-ARALAN AT GAWAN NG PARAAN
Dapat pag-aralan nang husto kung ano-ano ang mga dahilan ng matagalang baha.
Kwento ng ating Uzi, mga Bro, isa sa mga dahilan ang pagkapuno ng mga drainage system ng mga bato, buhangin, tipak ng mga semento, putik at iba pa na galing sa mga ginagawang kalsada, tubo ng mga tubig at gusali.
Gumaganda na ang mga drainage dahil pinalalaki na ang mga ito ngunit sa pagkalkal sa mga ito, nadidiskubreng malaking bara ang galing nga sa mga ginagawang mga proyekto at hinahaluan pa ito ng mga basura.
Mungkahi tuloy ng ating Uzi na dapat kayurin at itapon agad sa dapat kalagyan ang mga basura sa mga construction site.
Itong mga plastik at iba pang basura, dapat na bigyang-pansin din ng mga mamamayan dahil hindi lang nakababara sa mga daluyan ng tubig kundi nakasisira sa mga pumping station laban sa baha.
MGA OSPITAL PUNUAN NA SA DENGUE VICTIMS
Kahit saan sa Pinas, sinasabi ng mga doktor at nars na punuan na ang mga ospital ng mga biktima sa dengue.
Kalamidad na nga ang turing ng ilang doktor ang kalagayan sa dengue dahil mahigit 80,000 na ang nagkakasakit sa nakalipas na nakaraang buwan at bumugso ang karamihan sa mga kaso nitong pagsisimula ng tag-ulan.
Mahigit na mungkahi natin ang tulong-tulong na paglilinis sa loob at labas ng ating mga tahanan at pag-aalis sa mga katubigang pinangingitlugan at nilalakihan ng mga anak-lamok.
Dapat ding maging aktibo ang mga pamahalaang barangay, bayan at siyudad sa pangunguna sa pagpatay sa mga lamok sa pamamagitan ng pag-spray ng mga kemikal na pamatay-lamok ngunit ligtas sa mga tao.
Kumilos sana tayo lahat laban sa dengue at mag-alaga na rin ng mabibisang gamot gaya ng tawa-tawa.
MATAGALANG PAGGAMIT NG CELLPHONE MAKAAAPEKTO SA UTAK, UGAT NG BRAIN CANCER

August 8, 2022 @9:25 AM
Views:
30
SA loob ng isang araw, gaano ka ba katagal gumamit ng iyong mobile phone? Lumabas sa isang pag-aaral na ang “minimum” na paggamit ng isang Pilipino ng kanyang telepono ay apat na oras (4 hours) at labing-lima minuto (15 minutes) bawat araw.
Ito ay sa kabila ng katotohanan na isa tayo sa may pinakamabagal na internet speed dito sa ASEAN Region, mayroon lamang tayong 22.50 megabits per second.
Pero base sa isang pag-aaral na isinagawa ng Environmental Health Thrust sa Istanbul, Turkey gamit ang mga dagang costa, napatunayan ang malaking posibilidad na makaapekto sa utak at alaala ang sobrang pagkakalantad sa radio frequency radiation na ibinubuga ng gamit nating telepono.
Nagbubuga ng electromagnetic radiation ang mga cellphone at cellular base stations na puwedeng makasira sa ilang bahagi ng utak na nagreresulta sa memory lost, brain damage, at maging komplikasyon sa pagbubuntis.
Sa pag-aaral naman ng United States National Institute of Health, lumabas din na ang 50 minutong pakikipag-usap sa cellphone ay naghahatid ng 7% na pagtaas ng brain metabolism sa bahagi ng utak na malapit sa cellphone antenna. Bagamat wala pang direktang pag-uugnay sa paggamit ng cellphone sa pagkakaroon ng brain cancer, hanggang sa ngayon ay patuloy parin itong pinag-aaralan.
Pero, ayon sa analisa ng International Agency for Research on Cancer’s Interphone Study Group na gumagasta ng 14 million US dollars para sa sampung taong pag-aaral, mas karaniwan ang pagkakaroon ng brain cancer sa mga heavy cellphone users.
Dito sa Pilipinas, tinatayang nasa 82.3 milyong Pilipino ang mayroong pagmamay-aring cellphone. Sa mahigpit na kompetisyon ng malalaking kompanya ng mobile industry, sobrang mura na lamang ang halaga ng pagtawag gamit ang cellphone, kaya naman, mas marami ang naeengganyo na magtelebabad.
Bad news ito sa mga mahilig magbabad sa pakikipag-usap dahil nakasasama pala ito sa kalusugan. Marahil ay dapat nang kumilos ang Kongreso sa pagpapasa ng batas na maglalaan ng porsiyento sa bawat pisong gagastusin sa pagtawag para pondohan ang health risk na dulot ng cellphone radiation, lalo na’t mas maraming kabataan ang gumagamit nito. Maaaring sa ngayon ay hindi pa nila nararamdaman ang epekto nito, ngunit malay natin pagdating ng sampu o higit pang mga taon. Iba na ang naghahanda.
ESKWELA AT EDUKASYON

August 8, 2022 @9:23 AM
Views:
30
ISA ako sa mga excited sa pagbubukas ng mga paaralan at pagbalik ng mga estudyante sa face-to-face na classes kahit na nga meron konting kaba dahil sa pag-taas ulit ng mga kaso ng COVID-19 ngayong Agosto, mukhang pabor ang maraming magulang at mag-aaral dito.
Totoo kasi na mahirap ang mga offline o face to face classes.
Mas kokonti ang nauunawan ng mga estudyante kapag modular o kaya ay online classes.Hirap din ang guro na bantayan nang maayos kung nakikinig nga sa online classes o kung ang bata nga ang sumagot sa kanyang mga learning modules.
Marami rin sa mga magulang ang todo-sakripisyo noong wala pang face-to-face classes.
Bukod sa kapos ang oras para tutukan ang pagtulong sa kanilang mga anak sa pag-aaral, madalas ay hindi rin kayang ituro ni nanay o ni tatay ang pinag-aaralan ng mga anak.
Sa ganitong mga sitwasyon, talo ang bata, talo ang magulang at lalong talo ang pangkalahatang edukasyon.
Naniniwala akong handa na ang DepEd sa muling pagbalik ng milyong mga estudyante sa mga silid-aralan.
Sapat na ang adjustments katulad ng pagtatakda ng wastong bilang ng mga estudyante sa bawat classroom, health protocols at nito lang nakaraang mga araw, ang paglulunsad ng Brigada Eskwela.
Magpasalamat tayo sa LGUs at mga pribadong sector na naging katuwang ng mga ekwelahan at Parent-Teachers Associations (PTAs) sa paglilinis at pagsasa-ayos ng mga paaralan na ilang araw na lang ay tatauhan na ng mga empleyado ng paaralan at mga estudyante.
Obviously, meron pang mga hamon na haharapin, kasi nga may mga nasirang classrooms at pasilidad dahil sa Bagyong Odette at lindol sa Abra at Ilocos. Nagmahal ang mga bilihin at school supplies at baka raw kapusin ang ilang mga lugar ng mga libro, mesa at mga gamit pang-aral. May mga paaralan din dawn a kapos sa silid-aralan.
Pero sigurado ako, tama ang desisyon ni Vice President at DepEd Secretary Sarah Duterte na tutukang mabuti ang proseso ng pagbabalik ng face-to-face classes.
MINING FIRMS BUSISIIN BAGO MAG-OPERATE

August 8, 2022 @9:22 AM
Views:
25
KUMPYANSA si Department of Finance Secretary Benjamin Diokno, Jr. na unti-unting makakalikom ng pondo ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. upang ipangtustos sa mga naglalakihang proyekto’t programa nito sa gitna ng kakarampot na budget na iniwan ng dating administrasyon.
Ayon sa batikan at kilalang ekonomista,hindi, aniya, kailangang itaas ang buwis upang gastusan ang mga dambuhalang proyekto kabilang ang Build,Build,Build, sa halip ay paigtingin ang koleksyon sa imports at excise taxes mula sa mga higanteng kompanya ng minahan.
Hindi nga naman makatuwiran kung iaangat pa ang kasalakuyang buwis ng manufacturers ng de lata at iba pang producers ng pangunahing pangangailangan ng taumbayang sila rin naman ang direktang aaray bunsod sa napakataas na presyo ng mga produktong ito sa gitna ng napakataas na presyo ng petrolyo.
Subalit kailangan din repasuhin ni Diokno ang kalagayan ng mga minahan kung angkop sa nais mangyaring polisiya ni Pangulong Bongbong na isinasaalangalang pa rin ang responsableng pagmimina sa bansa kaakibat ang pagtugon sa mga apektadong mamamayan.
Halimbawa, ‘yung Filminera Resources Corporation na pag-aari ng Canadian at Australian Company na matagal nang sinalaula ang kabundukan sa Aroroy, Masbate ay patuloy pa rin na nakapago-operate sa kabila nang pagiging iresponsable umano nito hinggil sa social responsibility sa mga nasasakupang barangay bunsod sa wala namang sustainable livelihood na ibinigay sa ilan libong minerong nawalan ng trabaho mula ng largahan ang open pit na pagmimina.
Ipinagmamalaki pa ng mga kakutsaba nitong ‘Pinoy na hindi kayang ipatigil ng gobyerno ang paggiba nito ng kabundukan dahil malaki raw ang kanilang ibinibigay na ‘tongpats’ sa ilang buwayang matataas na opisyal sa ahensyang iniikutan ng permiso nito.
Maging ang mga tradisyunal na lupain ng mga katutubong ilang dekada nang kanlungan nila ay pinasok na rin ng mga higanteng kom-panyang itinaboy na mistulang mga basang sisiw ang mga tagarito kaya kailangan silipin din ng pamahalaan.
Hindi naman tama na makalili-kom nga ng sapat na salapi ang gob-yerno upang pondohan ang mga programa nito samantalang wasak ang kagubatan ng kasuluk-sulukan ng bansang pinaniniwalaang marami ang magbubuwis ng buhay dulot ng mala-delubyong kalamidad na ang ugat naman ay ang walang habas na paggiba ng kabundukan ng mga kompanyang nagmimina.
REGISTERED OWNER RULE

August 8, 2022 @9:21 AM
Views:
26