“We cannot stop the habal-habal operations. If the national government wants to do it then its fine! But I don’t want to stop it (here in the City). We can control it and we can make it work for the people.”
Ito ang sinabi ni Mayor Osmeña ng Cebu ukol sa motorcycles-for-hire o mas kilala ng masa sa bansag na habal-habal. Sang-ayon siya na sa sobrang traffic ng Cebu City at mga karatig syudad ay marami ang tumatangkilik sa habal-habal.
Kaya, bakit nga ba niya ipagbabawal ang tinatangkilik ng tao? Eh, paano ang safety concerns? Naroon na rin ang sagot niya “WE CAN MAKE IT WORK”. Ibig sabihin, tamang regulasyon para masiguro ang kaligtasan ng mga mananakay at drivers.
Hindi lang naman si Mayor Osmeña ang may ganyang pananaw. Mula pa noong 2008 ay ipinasa na ng House of ‘t ibang version ng motorcycles-for-hire act. Hindi nga lang nagiging ganap na batas dahil walang counterpart sa Senado. Pero ibig sabihin lang ng pagpasa nito sa House ay sang-ayon ang mga District and Partylist Congressmen na i-regulate ang mga motorcycles-for-hire.
Kamakailan lang, sa Metro Manila Development Committee ni Rep. Winston Castelo, sang-ayon ang Committee na i-regulate ang motorcycles-for-hire sa Metro Manila. At mismong si dating MMDA chairman at ngayon ay kinatawan ng Marikina City na si Rep. Bayani Fernando ay pabor sa motorcycles-for-hire. Batas daw ang kailangan para ma-regulate ang mga motorcycles-for-hire.
Pero kung katulad lang ni Mayor Tomas Osmeña ang pag-iisip ng transport officials ay hindi na kailangan ng batas. At dahil wala pa ngang regulasyon, mas delikado ang mga biyahe ng habal-habal. Walang insurance. Walang limitasyon sa pasahero, walang eksaktong ruta at iba pang sagot sana sa safety concern kung may umiiral sana na regulasyon.
Sa mga tumututol sa motorcycles-for-hire, safety ang concern nila kaya dapat ibawal. Pero kahit anong bawal o panghuhuli ang gawin, nandyan pa rin at lalong dumarami ang tumatangkilik dito. So para sa kanila, hayaan natin silang madisgrasya dahil sinabing bawal e nandiyan pa rin sila!
Ganyan ba ang katwiran na dapat pairalin? Gaano ba kadelikado ang kuryente, radiation sa cellphone, pagsakay sa barko o eroplano. O kaya pagsakay sa roller coaster sa mga theme park. Lahat ‘yan may safety concerns pero total ban ba ang sagot? Hindi. Gumawa ng safe na measures ang pamahalaan para ligtas ang lahat.
Bakit sa motorcycles-for-hire, hindi ganito ang pananaw ng mga transport officials? Gayunman, umaasa pa rin tayo na magkakaroon din ng regulasyon ang motorcycles-for-hire.
Wala man ang national government ay baka sa lokal na pamahalaan may pag-asa tulad ng Cebu City ni Mayor Tomas Osmeña. – SIBOL NI LTFRB COMM. ARIEL ENRILE-INTON