SI CUSI KASI

SI CUSI KASI

June 20, 2022 @ 1:26 PM 1 week ago


Hindi po sapat ang katagang palpak para ilarawan si Energy Secretary Al Cusi na siyang itinuturong dahilan sa likod ng mabigat na dagok ng krisis sa enerhiya.

Sa totoo lang, ang lahat naman ay apektado sa hidwaan ng dalawang “oil-exporting countries”, ang Ukraine at Russia, pero, bay, hindi sana ganun kabigat ang pasakit sa publiko kung hindi pinalampas ng ang isang pambihirang pagkakataong nagsalba sa atin ngayon.

Matatandaan taong 2017 nang tablahin ni Cusi ang alok na bilateral trade agreement ng Russia, kasu­nod ng pagbisita ni Pangulo Rodrigo Duterte sa nasabing bansa.

Ano nga ba ang nakapaloob sa alok ng Rosneft Oil Company ng Russia sa Philippine National Oil Company-Exploration Corp.. Isa itong kasunduang magbibigay-aan para makapag-ipon ang Pilipinas ng ‚Äúbuffer stock‚ÄĚna pwedeng gamitin sakaling tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigan merkado.

Eh ang kaso nga, tinabla po ni Cusi ang kasunduang binalangkas ng PNOC-EC na noo‚Äôy pinamumunuan ni Pete Aquino at ng Rosneft na nagpahayag ng kahandaang maglagak ng ‚ā¨10 bilyon sa ikapapanatag ng bansa.

Ang dahilan ng pananabla. ‚Äėdi muna kasi siya kinonsulta ng PNOC-EC bago kinausap ang Rosneft. Ano raw? Tsong,imposibleng ‚Äėdi alam ni Cusi ang naturang pakikipag-usap ni Aquino dahil siya rin ang chairman ng PNOC.

Higit pa sa buffer stock,sinayang rin ni Cusi ang pagkakataong ma¬≠ging bahagi ang Pilipinas sa mga international oil exploration. ‚ÄúIt lays the basis for the development of multilateral cooperation in oil and products trading as well as for joint participation in oil refining projects‚Ķ Intention to sign a strategic long-term contract in the near future for deli¬≠very of crude oil to the Philippine company,‚ÄĚ bahagi ng kasunduang PNOC-Rosneft na ibinasura ni Cusi.

Dahil sa kanyang kahambugan, ang pabor na para sa atin ay napunta sa India. Ang bansang dating kilalang kanlungan ng kahirapan, isang tigre na sa larangan ng ekonomiya.

Tayo naman, heto nagkukuma­hog, natataranta at walang magawa sa dikta ng mga may suplay ng pro­duktong petrolyo gamit ang ating mga planta ng enerhiya, mga pampublikong sasakyan, pabrika, agri­kultura at iba pa. Ang ma­saklap, pinasuspinde pa niya si Aquino pero inabswelto naman ng Ombudsman.

Sa dinaranas natin ngayon, ‚Äėdi uubra ang katwiran ni Cusi na nakaligtaan lang niya sa rami ng kanyang mga inaasikaso,dahil makai¬≠lang ulit nang inihain sa kanyang tanggapan ang mga solusyon sa nagbabadyang krisis sa enerhiya pagsapit ng 2023.

Sa halip na isulong ang mga programang magbibigay-raan sa sapat at murang enerhiya, inuna pa kasi ang lintek na pulitika.Hindi makatarungang hayaang magdusa ang mga mamamayan dahil sa kapalpa­kan ng ilang tao sa pamahalaan.

Heto pa  para mapagtakpan ang kanyang kapalpakan, agresibo ni­yang isinusulong ang pagtatalaga ng kanyang mga alipores sa mga kawanihan at GOCCs sa ilalim ng kagawarang kanyang lalayasan.