SI OPLE AT ANG “STRANDED” OFWs

SI OPLE AT ANG “STRANDED” OFWs

May 27, 2022 @ 7:06 PM 4 weeks ago


PAUNTI-unti, nakikilala na natin ang mga bubuo sa ba-gong Gabinete.

Nilimitahan ko ang aking pananaw sa mga isyu sa halip na sa mga personalidad, nakatanaw ako ng pag-asa para sa Department of Migrant Wor-kers (DMW). Ito ay dahil ang mga usaping kinasasangkutan ng ating overseas Filipino workers (OFWs) ang mismong adbokasyang isinusulong ng babaeng napipisil ng grupo ni Marcos Jr. para pamunuan ang bagong kagawaran.

Sa nakalipas na mga taon, epektibong pinangangasiwaan ni Susan Ople ang Blas F. Ople Policy Center, tinutulungan ang mga Pilipinong manggagawa na nakaranas ng matinding pagdurusa sa isang disyertong bansa, o kaya ipinuslit at ina-buso ng ambassador sa bansang kinapupwestuhan niya.

Bukod sa minsang nai-tampok sa opinion pages ng Tempo, kilala ko si Ms. Toots Ople bilang isang may ginintuang puso na ginamit ang policy center para masolusyunan ang sari-saring problemang kinahaharap ng pangunahing iniluluwas ng ating bansa — ang puwersa ng manggaga-wang Pilipino.

Bagama’t sangkatutak ang problema ng sektor, tututukan ko ang umiiral na ban sa pagpapadala ng mga Pilipinong manggagawa sa Saudi Arabia. Sa isang ulat kamakailan na nag-quote sa recruitment consultant at migration expert na si Manny Geslani, sinabi nitong 20,000 Pinoy na pina-ngakuan ng trabaho sa Arab state ang “stranded” pa rin sa Pilipinas dahil sa ban.

Para sa mga hindi pamilyar sa ugat ng problemang ito, iniisip nila marahil ang malinaw nang solusyon, ang ba-wiin ni presumptive DMV Secretary Ople – nang may buong suporta ni BBM – ang deployment ban upang ang tinata-yang 10,000 household service workers (HSWs) at 10,000 pang skilled laborers at professionals ay maaari nang ma-kabalik-trabaho sa Saudi.

Isang paraan nga ito, kahit na ang deployment ban na ipinatupad ni Labor Secretary Silvestre Bello III ay isang maprinsipyong paninindigan para sa kapakanan ng 11,000 Pilipinong manggagawa sa Saudi na basta na lang inalis sa trabaho, pinauwi sa Pilipinas, at hindi sinuwelduhan. Isa rin itong paninindigan laban sa kawalan ng pagpapabuti sa sitwasyon ng mga trabaha-dor, partikular na para sa kaligtasan at kalusugan ng ating mga ine-export na domestic workers.

Ang katotohanan, baga-mat kumilos ang gobyerno ng Saudi upang siguruhin ang kaligtasan ng HSWs sa kanilang kontrata, mas talamak pa sa inaasahan ang nakapanlulumong mga pag-abuso sa karapatan.

At ang royal oligarchy – na dapat sisihin sa biglaang paglalaho ng mga pribadong kompanya ng cons-truction na hindi nagbayad ng mga suweldo at benepisyo sa ating OFWs simula 2015 – ay lalo pang naging makapangyarihan sa ilalim ni King Mohammed bin Salman.

Sa paraang hindi isusuko ang ipinaglalaban, marahil pupuwede nating suportahan ang bagong administrasyon kung babawiin nito ang ban upang payagan na ang 20,000 “stranded OFWs” na bumalik sa Saudi. Batay sa estadistika, sa 88,000 OFW na bumi-biyahe taon-taon, hindi bababa sa 30,000 sa kanila ang minsang nagtungo sa Saudi Arabia.

Para sa mga prinsipyo at reklamo, maaari pang igiit ng ating gobyerno sa pamahalaan ng Saudi ang pagbabayad sa ating OFWs sa tulong ng mga diplomatikong pamamagitan; at marahil panatilihin ang pagbabawal sa pagpapadala ng HSWs upang maiwasan ang mga pang-aabuso. Ngunit para mabawasan ang bilang ng mga walang trabaho at magkaroon ng maraming pe-rang panggastos ang mga pamilya, marahil panahon nang buksan ang daan patu-ngo sa job market ng Saudi.

*        *        *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.