SI PAPA BENEDICT XVI (1)

SI PAPA BENEDICT XVI (1)

January 6, 2023 @ 1:50 AM 1 month ago


NALIBING na si Papa Benedict XVI at sa mismong butas na pinaglibingan sa idol niyang si Papa John Paul II siya inilagak.

Bago siya namatay, binisita niya muna ang libingan ng kanyang idol.
Sa butas ding iyon inilibing si Papa John XXIII.

Pareho nang deklaradong santo ng Simbahang Katolika sina Papa John Paul ll at Papa John XXIII.
Magiging santo rin kaya si Papa Benedict XVI?

Naging kontrobersyal na Papa si Joseph Ratzinger alyas Papa Benedict XVI.

Isa sa ‘di malilimutan ng mga nakakikilala sa kanya ang pagratrat niya sa isang pari at isang madre na nagsisisigaw para sa mga karapatan ng mga lesbian, gay, bisexual, transgender and queer.

Dito natin naalaala ang habilin ni Pope Francis sa mga seminaryo na huwag tatanggap ng mga aplikante sa pagpapari na halatado o klarong gay o bisexual.

Kasi naman, makadragdag lang ang mga ito sa mabigat na laban ng Simbahang Katolika sa mga pedophile na pari, obispo, kardinal at Papa.

Sa mga panahong ito, puno ang mga mata at tainga natin ukol sa mga pedophile na pari, obispo at kardinal dahil sa mga demandang inaabot nila mula sa India, Latin America, United States at Europe.

Pero ukol sa mga Papa na pedophile, medyo nakalilimot tayo.

Pero hayaan na lang nating sulyapan natin sila nang kaunti.

Ayon mismo sa mga insider sa Vatican, kabilang sa mga naging Papa na si John XII (955-964) na bisexual at nagdaos ng mga orgy sa kalalakihan sa Vatican Palace at nagkaroon pa ng mistresses.

Itong si Benedict IX (1033-1045; 1047-1048), ginawang brothel ng kalalakihan ang Vatican kaya pinalayas siya ngunit nakabalik siya sa trono nang mapalayas nito ang mga nagpalayas sa kanya pero in-excommunicate naman siya sa huli.

(ITUTULOY)