SI TATAY DIGONG AT ANG WAR ON DRUGS

SI TATAY DIGONG AT ANG WAR ON DRUGS

July 25, 2018 @ 7:18 PM 5 years ago


Ang opinyon at komento mo ay ating ilalathala sa espas­yong ito para mabasa at mari­nig ng iba nating mga kababa­yan. Laman ng mga ito ang mga saloobin ng ating mga nagmamasid na kapwa Pinoy.

Kung mayroon man kayong mga suhestiyon na gusto ninyong  maipaabot  sa mga kinauukulan, masama man o mabuti,  ay atin pong bibigyan ng da­an sa espasyong ito.

Basahin natin ang isa rito.

Sir Johnny, gud am. Hindi na kailangan “i-question” pa si Pang. Rodrigo Duterte ng mga kritiko dahil  alam niya ang kanyang ginagawa.

Huwag naman sanang ga­litin sa sobrang pag-criticize ng simbahan sa kanya hanggang sa lumabas ang galit ni PDU30. Daig pa o parang ‘thunderbolt’ ito para sa akin.

Okey lang dahil hindi naman niya dinidibdib ang anomang galit niya. Pa­rang ‘play­game’ lang at pag­katapos niyang magalit ay ta­tawanan lang ni Tatay Digong ang simabahan.

“He doesn’t mean to be serious” na alam naman natin dahil palabiro siya at para sa akin ay isa ito sa  laro niya.

Kung hanggang saan at kung gaano kalalim ang utak ng simbahan kontra sa mga ginagawang kabutihan sa ban­sa ni Tatay Digong, ang simbahan mismo ang nababahala dahil sa tatawanan lang kayo ni Tatay Digong at sana ay tigilan na nila ang pagbatikos sa “war on drugs” na pumapatay ng mga adik at nagtutulak ng iligal na droga.

VK  NI UNYO HINDI MAGUHOSA TARLAC

Ang isa pang dahilan kung bakit hindi matigil ang talamak na pagkalat ng illegal drugs lalo na sa lalawigan ng Tarlac ay itong naglipanang mga video­karera ni Unyo.

Hindi lalawak ito kung hindi sasamahan ng pagbebenta ng tobats sa naglalaro nilang mga player (‘Yun bang kaila ngan ay alive na alive si adiktus. Hehehe).

Ang tobats (shabu) kasi ang siyang nagbibigay ng ‘po­wer’ o lakas para mag­damag sa pagdudotdot ang isang pla­yer na naglalaro nito.

Kaya gayun na lang kung  pinagpupuyatan ang mga VK ng mga adiktus. Kahit “wa’ tsibug” ang mga ito ay okey lang  para sa kanila.

Ang tanong: Sino ang supplier ng tobats ng mga player ni Unyo at bakit hindi maguho-guho ang Drug Empire dito?

Hindi ko sinasabing si Unyo  ang supplier nito pero dapat na maging alerto nang 48 hours si Tarlac PD Supt. Richie Medardo Posadas sa mga nang­yayari sa kanyang probinsya para naman hindi masa­laula ang kanyang lalawigan.

o0o

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 0926­6719269 o i-email sa juan­[email protected]  o juan­[email protected]. – JUAN DE SABOG NI JOHNNY MAGALONA