MANILA, Philippines – Masosolusyunan na ang isa sa pangunahing problema ng isla na kakulangan sa medical facility bunsod ng pagtatayo ng Siargao Island Medical Center.
Ang Isla ng Siargao ay matatagpuan sa Silangan ng Tacloban o mas kilala rin bilang “Bali of the Philippines”.
Ang pinakamalapit na pasilidad ng isla ay ang Siargao District hospital kung saan merong lamang itong 50 bed capacity, 3 doctor, 2 Medtech at 1 Pharmacist.

In photo: Majority leader Mannix Dalipe (Half seen), Representative Bingo Matugas, Dapa Mayor Elizabeth Matugas, House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, DOH OIC Secretary Maria Rosario Vergeire, and William Scheirman of Schierman Construction Corp led the Groundbreaking ceremony of Siargao Medical Center. (c) Cesar Morales
Bunsod ng ilang taong pagsisikap at walang sawang pagtutulungan ng National Government, lokal na pamahalaan ng isla at ni Sen. Bong Go sa pangunguna ni Cong. Bingo Matugas ang dating Siargao District Hospital ay bubuuin na rin sa wakas ang Siargao Island Medical Center o SIMC.
Ang newly enhanced SIMC ay nabigyan ng pondo mula sa National Budget nagkakahalaga ng P380-milyon at itatalagang Level 2 Medical facility.
Mayroon itong 100 bed capacity at iba’t ibang department kasama ang Consulting Specialist, OB-gyne, Surgery, emergency and outpatient services, isolation and surgical facilities, departmentalized clinical services, respiratory units, general intensive care units, high risk pregnancy intensive unit, NICU and Dental clinic. Ang ancillary services ay mag-uupgrade mula Secondary Laboratory to Tertiary Clinical Laborarory at ang x-ray capacity ay magiging Secon-Level x-ray capacity na may mga mas pinahusay na blood station at pharmacy.
Ayon kay DOH OIC Dr. Rosario Vergeire buo ang suporta ng DOH at ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa mga proyektong mas mailapit sa mga kababayan ang mga Medical Services and facilities.

(c) Cesar Morales