Siargao surfer kampeon sa Japan

Siargao surfer kampeon sa Japan

March 7, 2023 @ 6:52 PM 3 weeks ago


BUTUAN CITY – Nakuha ng isang professional surfer mula sa Siargao Island ang korona sa March 2-5 international Qualifying Series 3000 (QS3000) event sa Japan.

“Congratulations John Mark Tokong. Muli mong ginawa. Salamat sa pagbibigay ng karangalan sa ating bansa at sa pagpapakilala ng ating sariling isla, ang Siargao, sa buong mundo,” sinabi ni Surigao del Norte 1st District Representative Francisco Jose Matugas II sa isang pahayag.

Tinanghal na kampeon si Tokong sa surfing event na ginanap sa Okuragahama Beach sa port city ng Hyuga, Japan, na pinahintulutan ng World Surf League (WSL).

Ang mga resultang nai-post sa website ng WSL ay nagsabing naglaro si Tokong sa finals noong Linggo laban kay Daiki Tanaka ng Japan.

Sa final event, nakakuha si Tokong ng 6.5 points sa kanyang unang wave at 6.3 points sa second wave, na nagbigay sa kanya ng 12.8 total points.

Nakakuha lang si Tanaka ng 6.25 points sa first wave at 5 points sa second wave, o kabuuang 11.2 points.

Ang isa pang surfer ng Siargao, si Noah Arkfeld ay pumuwesto sa ika-13 sa finals ng torneo.

Sinabi ng United Philippine Surfing Association (UPSA) na ang panalo ni Tokong ay naglagay sa kanya sa ika-4 na puwesto sa WSL Qualifying Series Asia Region.

“Umaasa si Tokong na umunlad at maging kwalipikado para sa serye ng WSL Challenger kung saan makakaharap niya ang mga top-tier surfers mula sa buong mundo,” sabi ng UPSA sa isang pahayag noong Lunes.JC