Siargao surfer sasabak sa Japan qualifying tournament

Siargao surfer sasabak sa Japan qualifying tournament

February 28, 2023 @ 1:43 PM 1 month ago


BUTUAN CITY – Naghahanda ang professional surfer na si

mula sa Siargao Island para sa international Qualifying Series 3000 (QS3000) na gaganapin sa unang linggo ng Marso sa Japan.

“Nag-stretching ako sa gym at nag-surf sa loob ng ilang araw bilang bahagi ng paghahanda ko para sa tournament na ito,” sabi ni Arkfeld sa Facebook.

Lalahukan ang kaganapan ng may basbas ng World Surf League (WSL) ng mga surfer sa buong mundo.

Ang torneo ay nakatakda sa Marso 2-5 sa Okuragahama Beach sa port city ng Hyuga, Japan.

Lumipad si Arkfeld patungong Maynila noong Linggo ng umaga at sumakay ng eroplano patungong Japan sa parehong araw.

Ayon sa website ng WSL, ang QS3000 ay ipinagpaliban mula noong 2019 dahil sa pandemya ng coronavirus disease 2019.

 “Ito ang magiging unang opisyal na torneo ng WSL sa loob ng apat na taon na gaganapin sa Okuragahama Beach, Huga City, Miyazaki Prefecture,” sabi ng WSL. JC