Sibuyan mining probe ikasa – Risa

Sibuyan mining probe ikasa – Risa

February 12, 2023 @ 10:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hiniling ni Senador Risa Hontiveros sa Senado na kaaagad dinggin ang panukalang Senate Resolution No. 459 upang imbestigahan ang isyu na bumabalot sa operasyon ng minahan sa Sibuyan Island upang matukoy ang mananagot at responsibilidad sa lalong madaling panahon.

 Ipinahayag ito ni Hontiveros matapos makipagdiyalogo kasama si Atty. Chel diokno, sa mga Sibuyanos na nagtayo ng barikada  upang protektahan ang kanilang komunidad laban sa operasyon ng   Altai Philippines Mining Corporation sa Sibuyan.

“It may be about time to evict these illegal miners once and for all. Nakita ko mismo ang sinasabing iligal na causeway. May cease and desist order na dapat sa operation pero nang pumunta ako doon, malinaw na may movement pa rin sa parte na sinabi na ngang bawal. Walang puwang sa Sibuyan ang mga hindi marunong sumunod sa batas,” ayon kay Hontiveros.

“Kailangan din alamin sa imbestigasyon ang papel ng pulis o di kaya’y ng LGU hindi lang sa naganap na mining operations, kundi pati na sa nangyaring karahasan,” aniya.

Sa ginanap na diyalogo, tinugon ni Hontiveros at diokno ang katanungan ng mga residente, ilan ang nanawagan ng disciplinary action laban sa local na pulisya na sangkot sa pananakita sa kanila.

“I join the residents in condemning the violence perpetrated against them during their peaceful protest. The mountains of Sibuyan and its residents should never be scarred again,” giit ng senadora.

“Panawagan ko sa aking mga colleagues, buksan na natin sa senado ang isyu na ito nang mapanagot na ang mga totoong responsable. Hindi dapat pinapaasa ang mga residente, lalo na at dalawa’t kalahating linggo na silang nagbabarikada. Two have already been injured simply because of resisting the mining operations. Noong 2007, pinatay din si Councilor Armin Marin dahil sa kanyang paglaban sa pagmimina sa Sibuyan. Dapat hindi na ito madagdagan,” dagdag niya.

Kinuwestiyon ng residente ang masyadong mababaw na parusa sa paglabag ng Altai kaya’t iginiit nila na patawan nang mas mabigat na parusa ang kompanyang na pag-aari ng pamilya Gatchalian.

Ayon sa residente, illegal  ang operasyon ng kompanya bukod sa sinisira ng Altai ang coral sa karagatan  at halaman na matatagpuan lamang sa naturang isla.

 “Kung mapatunayang mga critically endangered species pala ang nasira, may pananagutan sa batas ang kumpanya. Ang posibleng paggalaw sa mga endemic species ay malinaw na violation ng environmental laws,” giit ni Hontiveros.

Dulot ng pagkilala sa Sibuyan bilang “Galapagos of Asia bukod pa sa maraming bilang ng endemic flora at fauna, nanawagan ang residente na ideklara ang Sibuyan bilang   ‘no-go zone’ sa minahan.

“The DENR and the Mines and Geosciences Bureau need to study this ‘no-go zone’ proposal. Once my resolution is heard, the agencies will need to discuss and conclusively state whether or not extractive activities must be prohibited on Sibuyan,” giit ni Hontiveros.

Ipinanukala ni Hontiveros sa  Alternative Minerals Management Bill na ipatupad ang “mining in environmentally critical areas such as small island ecosystems, primary and secondary forests and watersheds shall be banned.”

“Various stakeholders should be called in the Senate investigation. The DENR, MGB, LGU, and PNP, among others should properly answer the cries of the Sibuyanons. Maliwanag na gusto ng mga residente ang tuluyang pagtigil ng pagmimina sa kanilang bayan. Halos lahat ng bahay na nadaanan namin sa Sibuyan ay may mga placard na nagpapahayag ng kanilang pagtutol sa pagmimina. Dapat masimulan na ang imbestigasyon sa Senado para pormal na madinig sila ng pamahalaan at ng buong bansa,” paliwanag ni Hontiveros. Ernie Reyes