Sick leave para sa public school teachers inihirit ng grupo

Sick leave para sa public school teachers inihirit ng grupo

January 16, 2022 @ 10:06 AM 7 months ago


MANILA, Philippines- Sa gitna ng kasalukuyang public health situation dulot ng pandemya, isang grupo ng education workers ang inihirit ang kahalagahan ng pagbibigay sa mga guro sa pampublikong paaralan ng sick leave benefits.

Binigyang-diin ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines ang kahalagahan ng pagbibigay sa public school teachers ng sick leave at “other such leave benefits enjoyed by all other tenured employees both in the public and private sector.”

Inilahad ng ACT na 50 prosyento ng mga guro sa National Capital Region (NCR) ang nakararanas ng flu symptoms as hanggang nitong Martes.

Ayon sa ACT, nararanasan ng bansa ang “worst” coronavirus disease (COVID-19) outbreak.

Inilahad naman ng ACT NCR Union, ang “sickly state of thousands” na mga guro sa rehiyon. Ito rin umano ang basehan ng grupo sa panawagan nitong two-week health break para sa mga guro at estudyante.

Bilang tugon, naglabas ang DepEd Central Office ng memorandum na nagbibigay ng awtorisasyon sa regional at schools division offices na magdeklara ng suspensyon ng klase sa kanilang mga lugar.

“There are 209 class days for this school year, 200 of those can be deemed as contact time—otherwise known as Teaching-Learning Days (TLDs)—which gives us 20 more days than the generally prescribed 180-day contact time by DepEd,” ani ACT NCR Union President Vladimer Quetua.

“It’s entirely doable and will not sacrifice the youth’s chance at education,” aniya pa. “Denying it, on the other hand, will have serious effects on the quality of teaching and learning.”

Samantala, nanawagan din ang grupo sa pag-apruba sa ACT Teachers Partylist’s House Bill 5349 na naggagawad ng 30 araw ng paid sick leave sa mga guro sa ilalim ng DepEd. RNT/SA