Sicogon Wildlife Sanctuary, kinilala sa Senado sa pagpapasigla ng turismo

Sicogon Wildlife Sanctuary, kinilala sa Senado sa pagpapasigla ng turismo

December 11, 2022 @ 4:04 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Isang malaking hakbang sa pangangalaga ng kapaligiran ang Sicogon Wildlife Sanctura, pawang protected area sa  Carles, Iloilo sa kabila ng malawakang development upang pasiglahin ang turismo sa lugar, ayon kay Sen. Cynthia A. Villar.

Isinagawa ang pahayag sa ginanap na paglulunsad ng Sicogon Island wildlife Sanctura at turn-over/ribbon cutting ceremonyng Livelihood Center Extension sa lugar sa pakikipagtulungan ng local na pamahalaan.

“The presence of the Sicogon Island Wildlife Sanctuary, I believe, complements well the tourism potentials in the area,” ani  Villlar.

“Your wildlife sanctuary is home to 318 species of plants and 32 species of which is endemic to Panay, including the “batwan” that is a prized culinary ingredient; 7 species of amphibians;15 species of reptiles including a new species of a dwarf gecko; and 63 species of mammals of which 12 are endemic to the Philippines. The threatened species in the area include the Grass owl, the Pied Fantail, the Philippine Monkey, the Common Island Flying Monkey and the critically endangered Visayas Warty Pig,” giit pa ni  Villar.

Dahil sa mayaman ang Pilipinas sa biodiversity, sinabi ng chairperson ng Senate committee on environment and natural resources,  na mahalagang alagaan ang ating biodiversity.

Ipinagmalaki  rin niya na maisusulong ng  biodiversity ang paglago ng ekonomiya.

Sinabi ni Villlar na ang Sicogon Island Wildlife Sanctuary sa Carles, Iloilo, ay legislated protected area sa ilalim ng E-NIPAS (Expanded) National Protected Area Systems) o Republic Act No. 11933 na naisabatas noong August 2022.

Ayon pa  kay Villar,  ipinagalaban nila ni Rep Boboy Tupas ang panukalang batas na gawing protected area ang Sicogon Island.

Sa ngayon, mayroon tayong 114 legislated protected areas sa ilalim ng Expanded NIPAS Act.

“There is a need to pass into law recognition of our protected areas to give them proper care inorder to preserve them and to avoid destruction. in return, its ecological  benefits will still be enjoyed by the next generation,” paliwanag ng senador.

Samantala, pinuri niya ang Livelihood Center Extension na magandang proyekto para mabiyayaan ang Aeta Community sa lugar.

Magsisilbi itong “reception area” kung saan maibebenta ng mga Ita ang kanila produkto  sa mga turistang nagtutungo sa Nagpana Falls.  Ernie Reyes