‘Sid and Aya’, binagyo ang takilya

‘Sid and Aya’, binagyo ang takilya

June 14, 2018 @ 3:47 PM 4 years ago


Kasing lakas ng ulan ang bugso ng dami ng nanood ng pelikulang “Sid and Aya” sa ikatlong linggo nito sa mga sinehan.

Aabot na kasi ngayon sa P114-million ang kinita ng pelikulang na  pinagbibidahan nina Anne Curtis at Dingdong Dantes.

Bukod dito masaya namang ibinahagi ng co-producer ng pelikula na si Neil Arce na nangunguna na ngayon sa mga Pinoy Film ang ‘Sid and Aya’.

“Safe to say, we are now the number one Filipino movie of the year!”

Ang ‘Sid and Aya’ ay umiikot sa kwento ng isang mayamang negosyante na si Sid na humingi ng tulong kay Aya na samahan siya tuwing gabi dahil sa kanyang sakit na insomnia.

Sa kabila naman ito ng paulit-ulit na reminder ni Curtis na ‘this is not a love story.’ (Remate News Team)