Sidecar boy, tinarakan sa leeg, patay

Sidecar boy, tinarakan sa leeg, patay

March 26, 2019 @ 2:27 PM 3 years ago


Paco, Maynila – Patay ang isang 55-ayos na sidecar boy matapos saksakin sa sa leeg ng hindi pa nakikilalang suspek sa Paco, Maynila kagabi.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Alberto Pellesco ng Paco, Maynila.

Patuloy namang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan sa suspek na tumakas matapos ang suspek.

Nangyari umano ang insidente sa panulukan ng Taft Ave., at Presidente QuirinoAve., Paco dakong alas 7 ng gabi ayon sa imbestigasyon ni PO1 Camilo Ross Cunanan ng MPD-homicide section.

Sa pahayag naman ni Jenelyn Bacon, miyembro ng Manila Traffic Parking Bureau (MTPB), nagmamando siya ng trapiko nang makita niya ang biktima na tumatakbo sa gilid ng kalsada at hawak ang kanyang kaliwang leeg  na may umaagos na dugo.

Maya-maya pa ay nakita niya ang biktima na bumagsak kaya ipinagbigay alam nito sa ilang pulis sa isang mobile na siyang nagdala sa biktima sa ospital subalit namatay din habang ginagamot. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)