Sierra Madre trending sa socmed sa pagbuhos ni Bagyong Karding

Sierra Madre trending sa socmed sa pagbuhos ni Bagyong Karding

September 26, 2022 @ 8:10 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Kabilang ang “Sierra Madre” sa trending topics sa Twitter, nitong Linggo sa paghahanda ng Luzon sa pagbuhos ni Karding.

Kinilala ng netizens recognized ang Sierra Madre mountain range, mula Cagayan hanggang Quezon, na pumoprotekta sa Luzon mula sa mga kalamidad.

Ilang indibidwal ang nag-post pa ng screenshots at videos ng weather forecasts kung saan makikita ang pinakamahabang mountain range ng Pilipinas na ginagawa ang tungkulin nito na pagpigil sa malakas na hangin.

Naging oportunidad naman ito para sa iba upang isulong ang pagprotekta sa Sierra Madre at pagkondena sa Kaliwa Dam project sa Quezon, dahil sa umano’y kakulangan sa environmental compliance at consent mula sa mga apektadong komunidad.

Trending din ang hashtag #NoToKaliwaDam at “Sign the Petition”.

Tinatawag na “backbone of Luzon,” ang Sierra Madre ay nagsisilbing natural barrier laban sa mga bagyong tumama sa northeast na parte ng bansa. RNT/SA