Sigalot sa eleksyon niluluto ng mga ‘dilawan, komunista’ – Duterte

Sigalot sa eleksyon niluluto ng mga ‘dilawan, komunista’ – Duterte

March 13, 2022 @ 5:00 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Ibinuking ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang oposisyon at ang mga komunista ay nagsanib-pwersa para gumawa ng bagay na maaaring makagambala sa halalan sa Mayo 9.

Sa panayam ng televangelist na si Pastor Apollo Quiboloy na ipinalabas ng SMNI Channel noong Sabado, sinabi ni Duterte na binabantayan ng gobyerno ang ilang grupo, kabilang ang “dilaw”—ang kulay ng oposisyon—at ang mga komunista.

“There’s a parang grouping of the communists, itong mga dilawan, pati itong mga…may isa pa, mga… Well, of course itong komunista is already a terrorist organization. So mga dilawan. Nakalimutan ko na yung isa,” anang Pangulo sa pagbubunyag ng nasabing impormasyon.

“Iyan ang ano namin, diyan ang ano ng gobyerno. Binabantayan nila ang ganoong sitwasyon. They might be… Iyon ang sinabi ko na puwedeng manggulo kasi they have these working relations now with the dilawan and the election is the objective really,” dagdag pa ng Pangulo.

Wala pang pahayag ang oposisyon tungkol sa akusasyon ni Duterte.

Inamin din ni Duterte na maaaring mangyari ang karahasan sa panahon ng halalan.

“Hindi ko magagarantiya sa iyo na magiging mapayapa ito. Magkakaroon ng isa o dalawa o tatlo,” aniya.

“And even dito sa  Mindanao, I mean, even the warring factions diyan sa (in) Cotabato. Sabi ko talaga sa kanila, ‘I will not allow terrorism sa elections.’ I will not allow violence,” ayon pa sa Pangulo. RNT