Signal No. 1 ikinasa sa Catanduanes, 2 pang lugar sa Tropical Depression ‘Rosal’

Signal No. 1 ikinasa sa Catanduanes, 2 pang lugar sa Tropical Depression ‘Rosal’

December 10, 2022 @ 1:15 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Lumakas na bilang tropical depression ang Low Pressure Area (LPA) sa silangan ng Juban, Sorsogon kaninang alas-8 ng umaga at tatawaging Rosal.

Sa 11 a.m. update, itinaas ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar sa Luzon dahil sa Tropical Depression Rosal:

  • Catanduanes;

  • Silangang bahagi ng Camarines Sur (Caramoan, Presentacion, Garchitorena, Lagonoy, San Jose, Tigaon, Sagñay); at

  • Silangang bahagi ng Albay (City of Tabaco, Bacacay, Rapu-Rapu, Malilipot, Malinao, Tiwi).

Sa ilalim ng TCWS No. 1, inaasahan ang hangin na may bilis na 39-61 km/h sa loob ng hindi bababa sa 36 oras o intermittent rains sa loob ng 36 oras.

Posible ang “moderate to heavy with at times intense rains” sa Bicol Region atQuezon, “moderate to heavy rains” sa Mimaropa at Western Visayas, at “light to moderate with at times heavy rains” sa Aurora at natitirang bahagi ng Calabarzon at Visayas.

Epektibo rin ang marine gale warning sa seaboards ng Northern Luzon sa ilalim ng impluwensya ng surge ng Northeast Monsoon.

Sa susunod na 24 oras, ang pinagsamang epekto ng surge ng Northeast Monsoon at ang tropical cyclone ay posibleng magdulot ng moderate to rough seas (1.2 to 3.0 m) sa seaboards ng Central Luzon at sa eastern at western seaboards ng Southern Luzon.

Tinatayang babagal ang Tropical Depression Rosal habang kumikilos pa-northward sa susunod na 12 oras bago tumungong north northeastward o northeastward para sa natitirang bahagi ng forecast period.

Ang sentro ni Tropical Depression Rosal ay tinatayang 110 km north northeast ng Virac, Catanduanes o 315 km east ng Infanta, Quezon (14.5 °N, 124.6 °E).

Pa-northwestward ito sa bilis na 20 km/h, na may maximum sustained winds na 45 km/h malapit sa sentro at gustiness hanggang 55 km/h. RNT/SA