Signal No. 1 itinaas sa 5 lugar sa Luzon kay ‘Neneng’

Signal No. 1 itinaas sa 5 lugar sa Luzon kay ‘Neneng’

October 15, 2022 @ 8:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa limang lugar sa Luzon ngayong Sabado ng umaga dahil kay Tropical Depression Neneng, ayon sa weather forecast ng PAGASA.

Nakataas ang TCWS No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

  • Batanes;

  • Cagayan kabilang ang Babuyan Islands;

  • northern at eastern portions ng Apayao (Luna, Santa Marcela, Flora, Pudtol, Calanasan);

  • extreme northern portion ng Isabela (Santa Maria, San Pablo, Maconacon); at

  • northern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Bangui, Burgos, Pasuquin, Vintar, Dumalneg, Adams).

 Ang potensyal na impact ng hangin sa mga nabanggit na lugar ay “minimal to minor threat to life and property.”

Patuloy na kumikilos si Neneng patungong west southwest direction sa Philippine Sea, base sa PAGASA. 

Hanggang nitong alas-4 ng umaga, ang sentro ni Neneng ay tinatayang nasa 575 kilometers east ngCalayan , Cagayan, na may packing maximum sustained winds na 55 kilometers per hour nmalapit sa sentro, gustiness hanggang 70 km/h, at central pressure na 998 hPa.

Kumikilos so Neneng sa bilis na 15 km/h na may malakas na hangin.

Samantala, patuloy na binabantayan ng PAGASA si Tropical Storm Sonca sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Hanggang alas-3 ng hapon nitong Biyernes, ang sentro ni Sonca ay ay 485 km northwest ng Pagasa Island, Palawan na may maximum sustained winds na 65 km/h malapit sa sentro, gustiness hanggang 80 km/h, at patungong northwestward sa 20 km/h.

Inaasahan ang “light to moderate with at times heavy rains” ngayong Sabado sa Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Apayao, Kalinga, Ilocos Norte, at Abra mamayang gabi.

Posible naman ang “moderate to heavy with at times intense rains” sa Batanes, Cagayan kabilang Babuyan Islands, Apayao, Kalinga, Abra, Ilocos Norte at Ilocos Sur.

Samantala, asahan ang “light to moderate with at times heavy rains” sa hilagang bahagi ng Isabela at natitirang bahagi ng Ilocos Region at Cordillera Administrative Region.

“The trough of NENENG and the convergence of its circulation with the southwesterly winds may also bring occasional rains over the western portions of MIMAROPA and Western Visayas,” pahayag ng weather bureau.

“On the forecast track, the center of NENENG may pass very close or make landfall in the vicinity of Babuyan Islands or Batanes on Sunday morning or afternoon, then exit the Philippine Area of Responsibility (PAR) on Monday as it begins turning generally southwestward in response to an arriving northeasterly surge,” anito pa.

Inaasahang lalakas pa si Neneng  habang kumikilos sa Philippine Sea at lalakas sa isang tropical storm category ngayong Sabado. RNT/SA