Signal No. 1 itinaas sa Batanes, 3 iba pang probinsya

Signal No. 1 itinaas sa Batanes, 3 iba pang probinsya

October 14, 2022 @ 7:56 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Itinaas ng Signal No. 1 sa Batanes, ilang bahagi ng Cagayan at Isabela dahil sa Tropical Depression Neneng.

Sa 5 p.m. weather bulletin ng PAGASA, bahagyang lumakas ang bagyo habang lumalapit sa extreme Northern Luzon.

May taglay itong lakas ng hangin na 55 kilometro kada oras at pagbugso na aabot sa 70 kilometro kada oras.

Kumikilos ang Tropical Depression Neneng sa direksyong west southwestward sa bilis na 10 kilometro kada oras.

Nakataas ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:

Batanes

Cagayan including Babuyan Islands

Eastern portion of Apayao (Luna, Santa Marcela, Flora,
Pudtol)

Northern portion of Isabela (Santa Maria,
San Pablo, Maconacon)

Kaugnay nito, makakaranas ng mahina hanggang katamtamang ulan na may minsan ay malakas na ulan sa Batanes, Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands, Apayao, Kalinga, at Ilocos Norte simula Sabado ng umaga, Oktubre 15.

Katamtaman hanggang sa malakas na ulan ang mararanasan sa Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Apayao, Abra, Kalinga, Ilocos
Norte, at Ilocos Sur simula naman Sabado ng hapon hanggang Linggo ng hapon. RNT/JGC