Signal No.1 itinaas sa Batanes, Babuyan Islands kay #FabianPH

Signal No.1 itinaas sa Batanes, Babuyan Islands kay #FabianPH

July 20, 2021 @ 6:19 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal (TWCS) No. 1 sa Batanes at Babuyan Islands sa paglakas ni bagyong Fabian.

Dahil dito, inabisuhan ng PAGASA ang mga residente sa mga nasabing lugar na patuloy na bantayan ang lagay ng panahon.

Huli itong namataan sa 895 kilometro silangan-hilagang-silangan ng extreme Northern Luzon na may taglay na hanging aabot sa 120 kph malapit sa gitna at bugsong aabot sa 150 kph sa bilis na 15 kph patungong kanluran-hilagang-kanlurang direksyon.

Bagamat lumakas, hindi magdadala ng malalakas na pag-ulan si Fabian sa bansa.

Inaasahang tumama si Fabian sa Yaeyama, Miyako, at Senkaku Islands ng Ryukyu Archipelago sa Japan sa Huwebes.

Habang sa Biyernes ng gabi o umaga ng Sabado inaasahang lumabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.

Samantala, patuloy pa ring makaapekto ang habagat sa Luzon.

Uulanin ang Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Pampanga, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, northern Palawan, kasama ang Calamian at Cuyo Islands, Batanes, at Babuyan Islands sa susunod na 24 oras.

Magiging matataas naman ang mga alon sa mga baybayin ng Batanes, hilagang parte ng Cagayan, kanluran ng Palawan at Oriental Mindoro.

Kaya’t nagbabala ang ahensya na delikadong pumalaot ang mga maliliit na sasakyang-pandagat. RNT/ELM


  •  
  •  
  •