Signal No. 1 itinaas sa Batanes; #DantePH humihina

Signal No. 1 itinaas sa Batanes; #DantePH humihina

June 4, 2021 @ 6:48 PM 2 years ago


Manila, Philippines – Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes habang humina na ang tropical storm Dante sa tropical depression, batay sa PAGASA.

Batay sa 5 p.m. severe weather bulletin, naging ganap ito na tropical depression bandang 2 p.m.

Namataan ang sentro ng Dante sa layong 210 kilometro west-northwest ng Basco, Batanes taglay ang 55 kph na hangin at pagbugsong 70 kph.

Batay pa sa PAGASA, muli itong pumasok sa Philippine Area of Responsibility bandang 4 p.m.

 “Sea travel is risky for small seacrafts over these waters. Mariners without the proper experience should immediately seek safe harbor.” RNT/FGDC