Signal No. 1 kasado sa 3 lugar sa pagbuhos ni Obet

Signal No. 1 kasado sa 3 lugar sa pagbuhos ni Obet

October 20, 2022 @ 1:42 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nananatili ang tatlong lugar sa Northern Luzon sa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 dahil kay Tropical Depression Obet, na napanatili ang lakas nito sa pagkilos patungong kanluran sa Philippines Sea ngayong Huwebes ng umaga.

Sa 11 a.m. bulletin, inihayag ng state weather bureau PAGASA na nakasailalim ang Batanes, Babuyan Islands, at ang northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga) sa TCWS No. 1.

Huling namataan si Obet 745 kilometers east ng Basco, Batanes, na may maximum sustained winds na 45 km per hour at gustiness hanggang 55 km/h patungong kanluran sa bilis na 10 km/h.

Sinabi ng PAGASA na posibleng umabot si Obet sa tropical storm category sa Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga sa pagdaan nito malapit sa Luzon landmass.

“Further intensification is likely once OBET reaches the West Philippine Sea,” sabi ng PAGASA.

Samantala, bukod sa inaasahang pagbuhos ni Obet, posible ring magdulot ang shear line ng malakas na pag-ulan sa Batanes, Cagayan Valley, Apayao, ar Ilocos Norte sa susunod na 24 hours, base sa PAGASA.

Epektibo naman ang marine gale warning sa seaboards ng Northern Luzon dahil sa impluwensya ng surge ng northeasterly surface wind flow, dagdag nito.

Inaasahang kikilos si Obet pa-west southwestward hanggang Huwebes ng gabi o Biyernes ng umaga habang bumibilis patungo sa Luzon Strait, base sa PAGASA. RNT/SA