Signal no. 1 nananatili sa Batanes, Babuyan sa Tropical Depression Obet

Signal no. 1 nananatili sa Batanes, Babuyan sa Tropical Depression Obet

October 22, 2022 @ 7:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nananatiling nakataas ang Signal No. 1 sa Batanes at Babuyan Islands kahit na papalayo na ng isla ang Tropical Depression Obet.

Ito ang sinabi ng PAGASA sa 5 a.m. bulletin kung saan huling namataan ang sentro ng bagyo 135 kilometro kanluran ng Basco, Batanes taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometro kada oras at pagbugso na 55 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong westward sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

Batanes
Babuyan Islands

Hindi na inaasahang magdudulot ng malakas na pag-ulan ang bagyo sa anumang bahagi ng bansa.

Samantala, ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) naman ang makakaapekto sa Mindanao.

Sa lagay ng panahon, makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang Caraga at Davao region dulot ng nasabing weather system.

Kaparehong panahon din ang inaasahan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at Cagayan Valley dahil sa Amihan. RNT/JGC