Signal No. 2 ikinasa sa bahagi ng Isabela, 2 pang lugar sa paglakas ni Karding

Signal No. 2 ikinasa sa bahagi ng Isabela, 2 pang lugar sa paglakas ni Karding

September 24, 2022 @ 1:14 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 nitong Sabado ng umaga sa bahagi ng Isabela at dalawa pang lugar sa paglakas ni Karding sa severe tropical storm, ayon sa PAGASA.

Kabilang sa mga lugar na isinailalim sa TCWS No. 2 ang:

  • Timog ng Isabela (Dinapigue);

  • Hilaga ng Aurora (Dinalungan, Casiguran, Dilasag); at 

  • Polillo Islands.

 Samantala, ikinasa naman ang TCWS No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

  • Timog ng Cagayan (Peñablanca, Iguig, Tuguegarao City, Enrile, Solana, Tuao, Piat, Amulung, Rizal);

  • Natitirang bahagi ng Isabela;

  • Quirino;

  • Nueva Vizcaya;

  • Timog ng Apayao (Conner);

  • Abra;

  • Kalinga;

  • Mountain Province;

  • Ifugao;

  • Benguet;

  • Timog ng Ilocos Norte (Nueva Era, Badoc, Pinili, Banna, City of Batac, Currimao, Paoay, Marcos);

  • Ilocos Sur;

  • La Union;

  • Pangasinan;

  • Natitirang bahagi ng Aurora;

  • Nueva Ecija;

  • Tarlac;

  • Bulacan;

  • Pampanga;

  • Zambales;

  • Bataan;

  • Metro Manila; 

  • Hilaga at gitnang bahagi ng Quezon (Tagkawayan, Lopez, Guinayangan, Gumaca, Pitogo, Unisan, Agdangan, Padre Burgos, Pagbilao, City of Tayabas, Lucban, Sampaloc, Mauban, Atimonan, Plaridel, Perez, Alabat, Quezon, Calauag, Lucena City, General Nakar, Real, Infanta);

  • Rizal;

  • Laguna;

  • Cavite;

  • Hilaga ng Batangas (Malvar, Balete, City of Tanauan, Santo Tomas, Talisay, Laurel);

  • Camarines Norte;

  • Hilaga at silangang bahagi ng Camarines Sur (Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot, Siruma, Tinambac, Goa, Lagonoy, Garchitorena, Caramoan, Presentacion, San Jose); at 

  • Hilaga ng Catanduanes (Pandan, Caramoran, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Gigmoto).

Subalit, sinabi ng PAGASA na posibleng umabot sa TCWS No. 4, batay sa pagtataya.

Hanggang nitong alas-10 ng umaga, ang sentro ni Karding ay nasa 660 km east southeast ng Tuguegarao City, Cagayan o 595 km east ng Casiguran, Aurora.

Mayroon itong maximum sustained winds na 100 km/h malapit sa senttro, gustiness hanggang 125 km/h, at central pressure na 990 hPa. 

Patungo si Karding sa direksyong west southwestward na may bilis na 25 km/h.

Ayon sa PAGASA, posible itong mag-landfall sa Lunes ng umaga o hapom sa Aurora o Isabela.

Lumakas na rin umano si Karding sa severe tropical storm kaninang alas-8 ng umaga.

Inaasahang magiging ganap itong bagyo bago bumuhos sa Central o Northern Luzon, at mananatiling bagyo habang nagpapaulan sa lugar. RNT/SA