Signal No. 2 kasado sa Pangasinan, Zambales

Signal No. 2 kasado sa Pangasinan, Zambales

September 26, 2022 @ 10:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Bumaba na ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) sa bahagi ng Pangasinan at Zambales mula sa No. 3 sa 2 sa paglayo ni bagyong Karding (international name: Noru) mula sa Luzon nitong Lunes ng umaga, ayon sa PAGASA.

Sinabi ng state weather bureau na ang sentro ng mata ni Karding ay huling namataan sa 190 kilometers kanluran ng Dagupan City, Pangasinan, na may maximum sustained winds na 140 km/h malapit sa sentro, gustiness hanggang 170 km/h, at central pressure na 970 hPa.

Inilagay sa TCWS No. 2 ang mga sumusunod na lugar:

  • Kanlurang bahagi ng Pangasinan (Bolinao, Bani, City of Alaminos, Anda, Sual, Labrador, Mabini, Agno, Burgos, Dasol, Infanta, Bugallon, Lingayen, Aguilar);

  • Hilagang parte ng  Zambales (Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, Iba)

Samantala, umiiral naman ang TCWS No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

  • La Union,

  • Natitirang bahagi ng Pangasinan,

  • Timog ng Benguet (Sablan, La Trinidad, Itogon, Baguio City, Tuba, Kapangan, Tublay),

  • Natitirang bahagi ng Zambales,

  • Hilagang parte ng Bataan (Bagac, City of Balanga, Abucay, Samal, Morong, Orani, Hermosa, Dinalupihan),

  • Tarlac,

  • Pampanga, at

  • Kanlurang bahagi ng Nueva Ecija (Cabiao, San Isidro, Jaen, San Antonio, Lupao, Science City of Muñoz, Santo Domingo, Talavera, Aliaga, Zaragoza, Cuyapo, Talugtug, Nampicuan, Guimba, Licab, Quezon)

Si Karding ay patungong west northwestward sa bilis na 30 km/h, base sa PAGASA. RNT/SA