“Signal-sending chip,” proteksyon para sa mga kababaihan

“Signal-sending chip,” proteksyon para sa mga kababaihan

June 8, 2018 @ 12:55 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Nanalo sa global competion ang isang designer dahil sa kaniyang imbensyong tiny computer chip na nagse-send ng emergency alerts sa mga lugar na walang signal ang cellphones.

Ang “signal-sending chip” ay naglalayong protektahan ang mga kababaihan laban sa karahasan na siya rin namang layunin ng Sustainable Development Goals na maabot sa 2030.

Ito rin ay idinisenyo para magmukang relo na maaaring mag-record ng audio kapag ito ay na-activate at nagkakahalaga ng $40 dollar.

Ang maliit na buton na makikita sa relo ay gawa ng Leaf Wearables of New Delhi, India ay nagtri-trigger ng emergency alert na siya namang magse-send ng detalye ng iyong lokasyon sa isang network of responders sa loob lamang ng 90 segundo.

Sinadya itong gawing abot kaya dahil naniniwala ang designer na ang kaligtasan ng lahat ay hindi dapat maging mahal at nararapat na ma-afford ng lahat. (Remate News Team)