SIGURADUHING MAAYOS ANG PAG-IMBAK AT PAGTAKIP NG TUBIG

SIGURADUHING MAAYOS ANG PAG-IMBAK AT PAGTAKIP NG TUBIG

August 5, 2022 @ 4:30 PM 1 week ago


Noong nakaraang buwan ng Hulyo, ang projection ng Climate and Rainfall forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, baka abutin ang 180 meters operating level sa katapusan ng July kung patuloy na bababa ang lebel, kaya sana raw ay may sapat na pag-ulan ngayong La Niña.

Mayroong pag-ulan nitong nakaraang araw, ngunit hindi sapat ang tubig ulan sa area ng Bulacan, kaya bumaba ang lebel ng tubig sa Angat Dam. 

Base sa dam elevation level kahapon, ika-4 ng Agosto 2022, ang lebel ng tubig sa Angat Dam ay nasa 177.26 meters, mas mababa ng 2.74 meters, kung ikukumpara sa minimum operating level na 180 meters. Mas lalong bumaba sa normal high-water level (NHWL) na 210 meters, kakayanin kaya maabot ang end of the year target na 212 meters? Matatandaan na noong December 2021 ay nasa 202 meters lamang ang pinakamataas na lebel ng tubig sa Angat Dam.

Samantala, ang Angat Technical Working Group ay isang Inter-Agency na nangangasiwa sa operasyon at alokasyon ng tubig. Kasabay nito ay ang mga hakbanging mitigation kasama ang ilang agencies gaya ng PAGASA at NAPOCOR o National Power Corporation, lalo na’t napakahalaga ng tubig para sa food security, agriculture, at ngayong panahon ng pandemya. Dagdag pa, isa sa long term solution aniya ay ang imprastraktura gaya ng reservoir para sa pag-iimbak at ang water security road map.

Sa kasalukuyan, mababa ang kalidad ng tubig sa Laguna Lake dahil sa algae. Dapat din daw ay ma-manage nang maayos ang mga fishing pens at huwag ilampas sa kapasidad ng lawa.

Sa ngayon, ang mga rain water harvesting facility and method ay hindi pa gaanong ginagamit, kaya naman sana ay mapalawak pa, aniya. Paalala naman ni Executive Director Sevillo David Jr., ng National Water Resources Board (NWRB) na siguraduhing maayos ang pag-imbak at pagtakip ng tubig sapagkat uso na naman ang Dengue.